The Sixth Wish (Part I)

2.3K 53 55
                                    

HAPPY NEW YEAR GUYS! :)) ♡

ENJOY READING!

--

AMBER'S P.O.V

"Ate Amber, salamat po sa lahat" Ngumiti si Lily sa akin, nasa bahay kami ngayon, bahay namin ni Mommy Alyana. Nakatira na kami ngayon kila Cynthia ni Mommy Alyana, pero trip ko munang dalhin sa kinalakihang bahay ko si Lily, ang in-adopt ko.

"Lily, nakakailang pasalamat na ba yan? Diba sabi ko sayo, wag ka na mag-thank you. Masanay ka na Lily" Ngumiti na lang siya.

"Gusto mo bisitahin ulit natin si Ate Cynthia mo?" Tumango siya at nakita ko sa mga mata niya ang excitement, napalapit nadin pala siya kay Cynthia, lahat yata ng tao e makakasundo si Cynthia, napakabait ba naman kasi diba? Nalungkot naman ako. 

"Tara?" Pumunta na kami sa garahe, pinagbuksan ko ng pinto ng kotse si Lily at sumakay na rin ako sa driver's seat.

Habang nagmamaneho ay pumasok sa isipan ko si Cynthia,

Hayy.. Lord, Tulungan niyo po ang kapatid ko. Sana Lord, makasama pa namin siya ng mas matagal, at sana Lord bigyan niyo siya ng dahilan, dahilang makakapagbago ng isip niya at magpa-opera siya sa mata.

*ATE AMBERRRRRRRRR!!!* 

Nagulat ako ng tumunog yung cellphone ko, yun nga pala yung ringtone ng cellphone ko pag may tumatawag, Sino naman kaya ang tumatawag? Natawa ako sa ringtone, si Lily yung sumigaw nun e. Ni-record niya yung boses niya na nagsabi ng "Ate Amberrrrrrrrrr!" at ginawa ko namang ringtone. Ginilid ko ang sasakyan ko at pinahinto para sagutin ang tawag.

"Wait lang Lily ah? Sasagutin ko lang 'tong tawag"

"Okayy ate Amber" Sinagot ko na ang tawag ng sumagot si Lily.

Nagtaka naman ako ng makita ko sa screen ang pangalan ni Kenneth.

Si Kenneth ay isa sa kaibigan ni Anthony kaya kumunot ang noo ko pero sinagot ko na.

"Amber" Woah, wala man lang Hi/Hello? Pero ang seryoso naman ng boses niya.

"B-bakit?" Tanong ko.

Kinakabahan kasi ako, kaya nag-stammer ang boses ko, sa tono kasi ng pagtawag niya sa pangalan ko ay tila ba may masamang nangyari.

"S-si Anthony.."

"SH*T! WHAT HAPPEN!?!? ANO!? ANONG NANGYARI!!! TELL ME!" Taranta kong sigaw. Nagpanic ang sistema ko ng marinig ang pangalan ni Anthony.

Tumingin ako kay Lily na nagulat sa bigla kong pagsigaw, ngumiti ako sa kanya para naman 'di niya isipin na may nangyaring masama.

"He's in Jail, Amber... He's going mad, he's insane! 'di na namin siya maintindihan, piya-piyansahan na namin siya pero the cops would'nt let us kasi baka may gawin siyang masama sa labas, and we told the cops na sinong puwedeng magpaalis sa kanya doon at sabi nila tanging magulang lang o ipagkakatiwala nila sa mapagkakatiwalaan. Tangna mukha ba kaming hindi katiwa tiwala!? You're the girlfriend mas pagkakatiwalaan ka nila, to take care of him. Amber, please... Anthony told us na hindi kayo magka-ayos pero please.. Come here." Natulala ako sa sinabi niya.

"Ok.. ok, tell me where are you guys"

"It-text ko na lang sayo, and as soon as I texted it. Please come, as soon as possible"

In-end niya na ang call at wala pang isang segundo ay na-recieve ko na ang adress kung nasaan sila ngayon.

Nagdrive ako sa Hospital kung nasaan si Cynthia, iniwan ko si Lily kay Mama Linda at kay Mommy Alyana, tinanong nila ako kung saan ako pupunta, ang sagot ko naman sa kanila ay may aasikasuhin lang.

The Nine WishesWhere stories live. Discover now