The Eight Wish (Part III)

926 41 5
                                    

Dedicated to RichElle193026

Guys! Sana walang snob ah sa mga nade-dicate ko dito wag kayong snob haha. May upcoming stories pa ako at sana patuloy nyo pa din suportahan. Loveyaaa'll!

ENJOY READING!!

-

Author's P.O.V

"Mrs. Mendoza, nandito na po ang mga gamot para sa pasyente gusto niyo po bang kayo na lang ang mag-painom nito sa anak niyo?" Magalang na tanong ng nurse kay Linda.

God knows how much Linda wanted to see her daughter pero ayaw siyang makita nito, more like ayaw silang makita nito. Durog man ang puso umiling si Linda sa nurse.

"Ikaw na lang" Tugon ni Linda sa nurse. Nauunawaan naman ng Nurse dahil sa kondisyon ni Cynthia, ayaw kasing makatanggap ng bisita ng anak, si Andrew nga lang ang tinatanggap nito eh, ang kababata niya.

"Sige po" Ngumiti ang nurse at tumuloy na sa kwarto ni Cynthia.

Hinagod ni Amber ang likod ng ina. Nasa labas silang lahat sa malaking waiting shed. Kahit ayaw sila ni Cynthia makita ay nagtiis na lang ang mga ito sa labas ng kwarto ni Cynthia. Nagulat sila sa biglaang pagkabukas ng pinto at nakita doon ang nurse, naka-rehistro sa mukha nito ang gulat.

"NAKU PO! NAWAWALA ANG PASYENTE!!" Sigaw nito.

Nag-panic ang lahat at agad pumasok sa kwarto, nakita nila ang kumpulang unan. Napatakip ng bibig si Linda gamit ang dalawang kamay nito.

"Nasaan ang kapatid ko!? Ano bang klaseng hospital 'to!? Pag may nangyaring masama kay Cynthia!!" Banta ni Amber.

"Babe, calm down" Bulong ni Anthony sa kaniya, bumigay si Amber at umiyak, tinahan naman siya ng kaniyang kasintahan na si Anthony.

"Shh, everything will be alright, mahahanap siya" Pag-kumbinsi niya. Buti na lang at andiyan si Anthony para kay Amber upang hindi to tuluyang mag-wala.

"Kailan pa Anthony, kailan pa.. Kailan pa magiging maayos ang lahat? Pagka-wala na ba siya?" Natigilan ang lahat sa bulong ni Amber habang umiiyak, kahit bulong ito ay dinig naman nila. Napalibutan ng katahimikan ang kwarto. Ang ilan ay lihim nadin umiiyak.

"Si Andrew" Alyana, ang nagpalaki kay Amber. Tila ba ay naalala niya si Andrew, agad niyang kinuha ang cellphone niya upang kontakin si Andrew, dahil posibleng kasama nito si Cynthia. Pero hindi nila ito ma-kontak, pati ang kay Cynthia ay hindi rin ma-kontak.

"Aasikasuhin po namin ang lahat, huwag po kayong mag-alala" Mahinhin na sinabi ng nurse. Niligpit na ng nurse ang mga unan at kumot sa kama ng pasyente ng may nakita siya sa ilalim nito na isang kamera.

"Mrs. Mendoza, sa anak niyo po ata 'to" Sabay abot ng kamera kay Linda.

Binuhay ni Linda ang kamera ngunit namamatay din agad dahil sa low battery ito.

"Naga-alala ako paano kung may mangyaring masama sa kanya" Linda. Kumikirot ang puso niya. Pakiramdam niya ay wala siyang kuwentang ina dahil hindi niya kayang alisin ang sakit na nararamdaman ni Cynthia.

"Tita, hindi naman po siguro gagawa ng bagay si Cynthia na alam niyang hindi makakabuti sa kanya" Sabi ni Anthony. Sumang-ayon na lang siya.

"Kailangan nating icharge ang kamera, hindi ito iiwan ni Cynthia ng walang dahilan"

Lahat sila ay sumangayon at umuwi na. Si Amber at Anthony ay nasa kotse ni Anthony samantalang ang dalawang nanay ay nasa isang kotse din, kotse nila Alyana.

Amber's P.O.V

Tahimik lang kami sa byahe ni Anthony, pauwi kami. Dahil gusto naming malaman ang laman ng kamera kasi hindi naman siguro iiwan ni Cynthia iyon ng walang dahilan.

Hindi ko mapigilang mapa-iyak, sana ako na lang ang naghihirap, nagdudusa at may sakit. Sana hindi na lang siya. Mas nahihirapan akong nahihirapan siya. Bakit kasi siya pa? Of all the people, bakit kapatid ko pa?

"Amber, kilala ko si Cynthia, kilala mo siya, kilala natin siya. Maybe she just needs time for herself. Intindihin mo siya, alam mong ayaw niya sa Hospital" Tumango-tango na lang ako kahit ang sakit.

Bakit kailangan sarilihin pa ni Cynthia ang nararamdaman niya? Bakit kailangan pagtabuyan nya pa kami? Ayaw niya bang may naawa sa sitwasyon niya?

"S-si Lily?" Tanong ko sakanya. Nami-miss ko na din siya, ayaw kong maistress ang bata sa mga nangyayari sa amin kaya hindi ko na siya sinasama sa hospital.

"Andun siya sa bahay namin, inaalagaan ni manang rosa" Tumango-tango na lang ako.

Nakarating kami sa bahay. Pagkapasok namin ay andun na sila mama at mommy Alyana. Nakita ko nang naka-charge ang camera at sini-set ni mommy ang wire sa camera at sa flat screen tv. Siguro para mas malaki ang view.

"May nagiisang video" Sabi niya. Plinay niya ito at nagsiupuan kami sa sofa.

 

"Ahem, h-hi i'm Cynthia" Tumulo ng kusa ang luha ko. Kahit nakadilat ako at hindi pumikit.

Nang magpatuloy ang video ay halos hindi na ako makahinga. Ramdam ko ang iba't-ibang emosyon. Umiyak lang ako ng tahimik. Hinagod ni Anthony ang braso ko.

"Hahanapin ko siya" Sabi ni Anthony sa amin ng matapos ang video. Tatayo na sya ng pigilan ko siya.

"Anthony, remember you said to me that you know her? I know her? We all know her? We all know na babalik siya kung kailan niya gusto Anthony" Nginitian ko si Anthony kahit pilit ayaw kong pati siya ay mawala sa akin. Naniniwala akong babalik si Cynthia. Nginitian niya ako pabalik.

Umakyat ako sa kwarto ni Cynthia, iniwan ko na sila sa sala. Sabay ng pagsara ko ng pinto ay ang pagbagsak ng mga luha ko. When I entered the room I felt the emptiness, the pain and the sadness. Ang lungkot ng kwarto, parang ang dilim sa bawat sulok at tila ba pinapahiwatig sakin ang pakiramdam ng isang taong nawawalan na ng pag-asa.

I thought life was just easy and magical. Akala ko pag-nagkaproblema ay ayos lang kasi may gagabay parin sa'yo at handang tumulong sa'yo at mawawala din agad 'to.

Pero nagkamali ako. Sobrang hirap ng buhay, na parang gusto mo na lang mamatay. Dahil sa sobrang hirap nito. Well maybe, ngayon hindi mo pa nararanasan ang problema but someday. Siguro ngayon easy-easy lang pero dadating din ang panahon na halos hindi ka na maka-hinga, parang mag-isa ka lang at parang nilalamon ka ng kadiliman.

Yung pakiramdam na hindi mo na kaya at pag umiiyak ka lang tiyaka mo nalalabas ang sakit. Yung umiiyak ka palagi sa pagtulog mo, sa pagsara mo ng pinto ng banyo at pag mag-isa ka lang.

Ganun ako eh, at siguro ganun din si Cynthia. Sobrang hirap na. Sana matapos na ang paghihirap niya, sana hindi na siyang mahirapan pang muli.

Napaupo ako sa sahig at nilabas ang lahat ng sakit. Tumayo na ako at pinakealam lahat ng gamit ni Cynthia. Binuksan ko ang drawer at nakakita ng pain killers at notebook, kinuha ko ang notebook, binasa ko napangiti ako habang binabasa ang unang pahina, parang katulad sa video puro dedications and messages. 9 Wishes? Nakita ko ang pangunang wish at may check na ito, hanggang sa pang-walo. Pero may isang wish ang hindi naka-check. Ang pang syam nyang wish. Naiintindihan ko kung bakit hindi nya eto tsinekan bago siya umalis.

Jesus, alam ko na hindi ako naging mabuti. Marami akong kasalanan, i'm not perfect. Nobody was. Pero sana, sana tuparin niyo ang kahilingan ko, ang tuparin ang huling hiling ng kapatid ko. Kahit alam kong imposible, pero sana. Sana tuparin ninyo. Tulungan niyo po siya.

TO BE CONTINUED...

The Nine WishesWhere stories live. Discover now