The Sixth Wish (Part IV)

1.4K 38 7
                                    

SPREAD THE LOVE.

ENJOY READING!

-

AMBER

Masyadong maraming nangyari sa akin, nasaktan ako ng dahil kay Anthony, tapos naalala ko na tumakbo ako palabas papunta sa kotse ko, nag-drive ako ng mabilis at wala sa sarili and the last thing I remember was there was a big truck infront of me, then boom.

Ang sakit lang kasi nang malaman ko ang lahat, I mean lahat-lahat.

Bakit ganun?

Sobrang mapag-laro naman ng tadhana.

Cynthia was once a stranger tapos biglang naging friends kami and later I find out she was my sister, tapos si Anthony he was my bestfriend na naging boyfriend dahil sa pagpupumilit ko, dahil sa pagiging desperada ko na kaya kong i-sakripisyo ang puso ko, puso kong maaring mawasak, dahil sa hindi siya maka-move on doon sa ex niya, tapos yung ex niyang yun ay si Cynthia pala.

I mean, bakit ganito? Bakit ang liit ng mundo para sa aming tatlo.

Sabi ng doktor na puwede na akong umuwi, tapos ng ayusin nila mommy(alyana) at mama(linda) ang mga bagay-bagay, nasa kotse kami ngayon nasa likod ako ng kotse katabi naman ng driver si mommy at katabi ko naman si mama.

"Are you okay Amber?" tanong sa akin ni mama.

"Okay naman po ako" Sagot ko sa kaniya.

I'm not really okay after what I saw. I saw two people hugging each other with LOVE. Love na hindi ko naranasan mula kay Anthony, siguro love as a friend ang binigay niya, pero yung ganun ng tulad kay Cynthia, wala ni hindi niya nga ako sinundan ng umalis ako sa harap nila eh, it only means he really loves her at dapat ko na sigurong tanggapin.

Siguro nga ang buhay parang laro lang yan, may mananalo at matatalo, and I guess I lose.

Nang maka-uwi na kami sa bahay nila Cynthia na ngayon ay dito na rin kami naninirahan ay nakita ko siya, galing kwarto niya.

"Hey" Bati ko sa kanya. Medyo awkward yung awkward kong ngiti.

Ngumiti siya, pero may lungkot sa mga mata niya, siguro dapat na akong magparaya. Simula't sapol siya ang mahal ni Anthony naiintindihan ko kung bakit nagawang iwan ni Cynthia si Anthony dahil yun sa sakit niya, I was been so selfish na hindi ko man lang inalam kung bakit nakipaghiwalay ang ex ni Anthony sa kaniya at kinamuhian ko kaagad ang ex niya.

"Puwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya.

"S-sige" Sumunod ako sa kaniya sa kwarto niya.

Umupo siya sa kama niya at ako naman ay umupo sa isang upuan malapit sa kama.

"Did you know why I broke up with him?" Alam ko na kung anong paguusapan namin. Tumango ako.

"Dahil sa sakit mo" sagot ko naman ng hindi maka-tingin sa kaniya. Tumango tango si Cynthia.

"Amber, nakipaghiwalay ako sa kaniya kasi may sakit ako at gusto ko- gusto kong maka-hanap siya ng mas better, yung tipong nasa tabi niya hanggang sa huli, makakasama niya pang tumanda at Amber hindi ako 'yun, then nalaman kong kayo ni Anthony, alam mo pinilit ko maging masaya pero bakit ganun? Nasasaktan ako. Pero Amber, ikaw. Ikaw ang nararapat sa kaniya." Sabi niya habang tumutulo ang luha niya hindi ko mapigilang umiyak rin.

Hinawakan niya yung kamay ko. Pero tinabig ko ito kasi mas nasasaktan siya alam ko.

Kapatid ko siya at hindi ko kayang nakikita siyang nagpaparaya.

The Nine WishesWhere stories live. Discover now