The Sixth Wish (Part II)

1.7K 42 17
                                    

Hey guys! Sorry kung superrrr late update, nasa piligro ang pagaaral ko kaya ngayon lang ako nakapag-ud. *sigh* Sana maunawaan nyo, na kailangan kong mag-aral to take care of my grades. Dedicated to sa inyong lahat :))

ENJOY READING!

-

CYNTHIA

NAKAKAKITA NA AKO.

Malinaw ang paningin ko, nasisilayan ko na ulit ang magandang mundong ginawa ng Diyos, nasisalayan ko na ang sikat ng araw, nasisilayan ko na ang itsura ng mga mahal ko sa buhay, nakakakita na ako.

Pero ang sakit isipin, sobrang sakit isipin na kaya ako nagpa-opera ay dahil sa taong humiling na sana ay magkaroon ako ng dahilan para magpa-opera.

Si Amber.

Dahil sa kaniya kaya ako nagpa-opera, na-aksidente si Amber. Nang malaman ko ito ay parang milyon-milyong kutsilyo ang patuloy na tumutusok sa puso ko.

"Amber, ang daya mo. Diba nag-promise ka sa akin, na aalagaan mo si mama? Pero bakit, bakit nakahilatay ka diyan ngayon? Bakit b-bakit wala kang malay? Amber, ba't kailangang mangyari 'to? Gumising ka naman na oh" Bulong ko. Hinawakan ko ang kamay niya.

Nandito siya ngayon sa isang marangyang hospital, nasa isang pribadong kwarto siya, tanging makina nalang ang bumubuhay kay Amber.

Dalawang araw ang lumipas simula ng ma-aksidente si Amber, sabi ng doktor ginawa nila ang lahat ng makakaya nila pero grabe daw ang tinamong damage ni Amber sa aksidente. Comatose siya.

Dalawang araw na din akong hindi natutulog, hindi ko magawang magpahinga. Hindi ko kaya, naka-schedule na bukas ang pagtanggal ng tube na nagkokonekta sa katawan ni Amber at sa makina. Sabi nila ay wala na daw tsansa. Kung hindi pa daw ito magising ay mapipilitan silang tanggalin ang sumusuporta kay Amber.

Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Alam kong magigising siya.

Narinig ko ang pagkatok mula sa pinto, kaya pinunasan ko ang mga luha ko. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si mama, tita Alyana at si Lily, nakita ko na sobrang lungkot ni Lily, naging tahimik din siya simula nung ma-aksidente si Amber.

"Anak, magpahinga ka muna, bumalik ka na lang mamaya, sige na anak kahit ilang oras lang matulog ka muna please, nagaalala na ako sayo..." Sabi ni mama. Nginitian ko lang si mama.

"Hindi naman po ako pagod e, b-babantayan ko na lang po si Amber" Sabi ko naman sa kaniya. Gusto kong bantayan si Amber.

Ang lungkot ng mga mata ni mama, pati nadin si tita Alyana, mahahalata mong pagod na pagod na sila, at ang tamlay nila.

"Anak, please... Alam ko nasaktan ka sa nangyari, p-pero wala na tayong magagawa, kahit ako at si Alyana n-nasaktan din kami anak, pero huwag mo naman pabayaan ang sarili mo Cynthia ayaw kong pati ikaw, pati ikaw..." Tumulo yung luha ko.

"Magkaiba naman po kami ni Amber e, ako may taning na. Pero siya? Biglaan eh. Kaya ang sakit, sobrang sakit ma... Hindi ko makaya, hindi ko kaya makita yung kapatid ko ma, na nakalatay! na tanging makina lang ang bumubuhay sa kaniya! Hindi ko kaya ma e! Ang sakit sobra, dito" Tinuro ko ang dibdib ko.

"Anak, huwag kang magsalita ng ganyan, may rason kung bakit nangyayari ang lahat ng ito anak." Umiyak ako sa bisig ni mama.

"S-sige po, aalis na po ako" Nagulat ako ng magsalita si Lily.

"Anong ibig mong sabihin? Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti si Lily ng sobrang lungkot, naku ang batang 'to. Siguradong nasaktan sya ng malaman ang kondisyon ni Amber, alam ko na sobrang bait ni Amber dito sa batang 'to, kaya sobrang lungkot nito ni Lily. Amber pangako ko sayo aalagaan namin ng mabuti si Lily, napamahal nadin sa amin ang batang 'to.

The Nine WishesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora