Chapter 1

109K 2.2K 984
                                    

"Good Evening, Ladies and Gentlemen"

We all face the stage when we hear the emcee of tonight's event. November palang ngayon pero may event na na ginagawa ang pamahalaan para sa mga tatakbo sa halalan nitong darating na Mayo. I'm used to this kind of event because my Dad is a Senator while my Husband is the former Congressman of our Province. Pero iba ngayon. Ako na mismo ang tatakbo bilang kongresista ng probinsya namin, ayoko man pero wala akong magawa. Luminga ako sa paligid. Mga pamilyar na mukha -- mga dati ng tao sa pulitika.

The event went well. Nasa kalagitnaan na ng event ng maramdaman kong naiihi ako.

"Excuse me, Hon. I gotta pee" paalam ko sa asawa ko. Tanging ngiti lamang ang isinukli nito. Busy din kasi siya sa pakikipag-kwentuhan sa ibang kumakandidato.

"Naiihi din po ako, Ma'am" sambit ng assitant kong si Jane.

Nakaramdam agad ako ng ginhawa pagkalabas ng silid; tahimik at presko. Nawala ang ingay ng mga taong nakikipag-plastikan lamang upang maka-kuha ng kapit sa iba pang kapwa tumatakbo sa pulitika. Naglakad na kami palabas ng event hall at dumiretso sa mahabang hallway papunta sa comfort room. May mga guards sa labas dahil may mga importanteng tao na kailangang batayan. I also have my own set of security guards pero hindi kona pinasunod. I hate the feeling kapag napapaligiran ako ng mga 'yon. Para bang parating may nagbabalak na patayin ako.

Pumasok na kami ni Jane sa loob. May mangilan-ngilan din tao dito ; mga kasing edad ko na siguro ay asawa ng mga kongresista o kaya naman ay anak nila.

May lumabas sa isang cubicle katapat ni Jane. "Ma'am, una napo kayo" magalang na alok nito.

"Naku, sige na hija. Mauna kana jan. Okay lang" ngiti ko dito. Mas bata saakin si Jane ako ay 35 at siya naman ay 23 pa lamang. Ngumiti naman ito pabalik at pumasok na sa cubicle. Sakto naman ay lumabas nadin yung babae sa tinapatan kong cubicle, pumasok na ako doon atsaka ito ni-lock.

Patapos na ako ng biglang namatay ang mga ilaw. Nawalan yata ng kuryente. Hindi kopa naman din dinala yung phone ko, iniwan ko doon sa pouch na nasa table namin. Wala tuloy akong source of light ngayon.

Dahan-dahan kong kinapa yung lock ng cubicle at dahan dahang lumabas. "Jane?" Tawag ko.

Maya maya pa ay may humawak sa kamay ko, napaka-lambot na kamay. Naglakad kami palabas ng cr ng dahan dahan. Mejo maingay sa paligid; mga taong nagrereklamo bakit may aberyang ganito. Wala daw bang generator or ano. Hindi ko tuloy marinig yung sinasabi ni Jane, ramdam ko kasing nagsasalita siya.

Madilim padin sa paligid. Maya maya ay naramdaman kong malambot yung inaapakan ko, parang damo. Nasa may garden yata kami.

"Jane why are we here?" Tanong ko dito kahit wala akong masyadong makita. Mejo madilim ang sikat ng buwan pero naaaninag ko na nasa ilalim kami ng puno.

"Shhh quiet Sylvia" sagot nito. Huh? Bat iba ang boses ni Jane¿

"Huh? Anong Sylvia?" takang tanong ko atsaka ko kinapa ang mukha nito. Short hair pero kulot sa dulo, matangos ang ilong.. manipis na mga labi.

Tinapat nito ang cellphone sa mukha ko na ikinasilaw ko.

"What are you doing!?" Iritableng tanong ko. Of course masakit sa mata dahil kanin pa madilim tapos bigla akong tututukan ng ilaw.

Binaba nito ang phone niya sanhi para makita ko ang mukha ng babaeng kasama ko sa dilim ngayon.

"Who are you?" Sabay naming tanong.

Aba!!

"I thought you were my assistant!" sabay din naming sagot.

Oh crap.

-
This was originally written 2 years ago; May 2, 2017. But was unable to publish it because of some things.

3-5-19

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon