One Call Away

11.6K 259 201
                                    

"Finally natapos din." Saad ko ng matapos kong ihain ang huling pagkain sa lamesa. Ipinalakpak ko pa ang kamay ko habang tinitingnan ang mga pangulam.

"Wag silang maarte sa niluto ko. Makakatikim talaga sila ng tadyak at sipa pag nagreklamo sila." Usal ko sa utak ko. Nagpamewang pa ako.

Dinako ko ang mga mata ko sa hagdan pataas. Nasa second floor ang kwarto nila at ang akin ay nasa baba. Take note, akin lang ang nasa baba.

Isang taon na ako sa puder ng kpop group na bts. Ako ang masasabi nilang, dakilang alalay. Personal assistant pag pinasosyal ang tawag.

Inaalagan ko sila kahit na sobrang natutuyo ang utak ko dahil sa kakulitan nila.

May utang na loob ako sa kanila.

--

Ako si Jurix Ignacio, 23 years old na ako at ako ang personal assistant,,este personal alalay ng sikat ng kpop group na BTS. Ewan ko ba kung bakit ako napasuot sa gantong trabaho. Ang pangarap ko lang naman sa buhay ay magkaroon ng sariling negosyo. Yung masasabi kong akin.

Isa akong pilipino. Nanay ko ay pilipino pero sabi ng nanay ko sa akin na ang papa ko ay isang koreano. Nung una ay di ko mapaniwalaan yun. Naisip ko ngang ginugood time lang ako ni nanay e. Naniwala lang ako kay nanay noong nahanap nya ang kaisa-isang picture ni tatay na naitago nya.

Namangha ako at naiyak ng slight. Di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Naghalo-halo na sa aking dibdib lahat ng emosyon ng makita ko ang picture ng tatay ko. Di ko maipagkakailang kamukhang-kamukha ko sya.

Lucila Ignacio ang pangalan ng nanay ko. Kami lang dalawa ni nanay sa buhay. Wala na kasing nahanap pa si nanay na makakatuwang sa buhay simula ng iwanan kami ng tatay ko.

Ang kwento ng nanay ko sa akin ay, sa korea ako ipinanganak. Sabi pa nga ni nanay ay sa isang maliit na clinic daw sya naglabor. Di na daw kasi inabot sa ospital.
Nung time na yun ay kasama pa daw nya ang tatay ko. Naglilive-in pa sila.

Noli Choi ang pangalan daw ng tatay ko. Kwento pa ni mama na nagkakilala sila sa isang club sa korea. Stage performer kasi ang trabaho ni nanay noon. Sabi pa ni nanay na nalove at first sight daw sila ni tatay sa isa't-isa. Ang weird nga ng feeling ko habang kinukwento ni nanay sa akin yun. Kulang na lang ata ay masuka ako habang sinasabi ni nanay yun with matching kinikilig-kilig pa kala mo naiihi na ewan. Kadiri lang.

Di ko na lang inalam ang iba pang istorya ng nanay ko at tatay kong koreano. Para saan pa? Wala na naman sya sa buhay namin at may sarili na syang buhay, kung saan man sya ngayon.

Di kami mayaman, nakakaangat lang siguro ng konti. Nakakakain tatlong beses sa isang araw.

Factory worker ang trabaho ng nanay ko at regular na sya doon. Ako naman ay estudyante. Katunayan ay nasa kolehiyo na ako. Culinary ang kurso ko. Humabol pa din sa school kahit papaano. Pinilit din kasi ako ni nanay na magaral e. Magsesecond year college na ako sa pasukan.

Pangarap kong magkaroon ng negosyo. Isang coffee shop. Sabi kasi ng iba kung gusto mo daw yumaman magtayo ka ng business. At dahil sa kagustuhan kong yumaman at makapunta sa iba't-ibang bansa, kaya yun ang naging pangarap ko sa buhay. Makapagpatayo ng isang "cafe". Coffee shop na hindi lang sa pilipinas magiging sikat kundi sa buong mundo especially sa korea. Korea kasi ang pinakagusto kong puntahan at tirhan. Not because of those kpop group na pinagnanasaan ng buong mundo kundi dahil sa angking kagandahan ng bansang ito.

Okay na dapat ang takbo ng buhay namin pero biglang nagbago ang lahat dahil sa isang aksidente. Aksidenteng nagbago sa ikot ng mundo ko.

Nasunog ang pinagtatrabahuhan ng nanay ko at ang masaklap pa ay nadamay sya doon. Naisugod pa namin sya sa ospital. Tinatahak namin ang hallway ng ospital papuntang "operating room." Hawak-hawak ko ng mahigpit ang kamay ni nanay.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Where stories live. Discover now