Call: 9

1.2K 59 16
                                    

"Magandang umaga pa."

Masiglang bati ko ng makaupo ako sa upuan ko sa hapag kainan. Binigyan naman ako ni papa ng napakalawak na ngiti.

Katulad ng sinabi ko kahapon kay papa na may utang syang kwento sa akin, ayun binayaran din naman nya kagabi paguwi ko. Ang dami din nyang biniling pasalubong sa akin. Sa tingin ko pa ay wala syang nabili para sa sarili nya, para sa akin lahat. Hay. Sa papa talaga.

"Magandang umaga din naman nak."

Tugon nya sa akin habang nilalagyan nya ang plato ko ng iba't-ibang pagkain. Nakatuon naman ang mata ko sa kamay nya na abala sa paglalagay ng pagkain sa pinggan ko.

"Kumain ka ng madami ngayon."
"Balik pagaaral ka na ulit kaya kailangan mong mabusog."

Iniangat ni papa ang ulo nya sa akin at kasabay noon ay binigyan nya ako ng isang matamis at nakakagaan na ngiti.

"Kain na."

Wika pa nya. Napatango naman ako habang nakatingin sa mukha nya. Eto siguro ang dahilan ni nanay kaya minahal nya si papa noon.

"Maraming salamat po pa."

Malambing na saad ko. Pinangilidan din ako ng luha. Nakakatuwang isipin na andito si papa sa tabi ko. Pakiramdam ko ay kumpleto at buo ang pamilya namin kahit na wala na si nanay.

"Maraming salamat po sa lahat."
"Mahal na mahal ko po kayo pa."

Yung luhang kanina'y nangingilid lang ay unti-unti ng bumagsak. Ganun pa man ay binigyan ko pa rin si papa ng isang ngiting punong-puno ng pagmamahal.

Sa pagtitig ko sa mga mata ni papa, napansin ko din ang luhang nangingilid dito.

"Mahal na mahal din kita anak."
"Masaya ako na kasama kita ngayon."

Nagtuloy-tuloy ang agos ng luha sa mga mata ko ng madinig yun. Wala na akong pakialam kung agang-aga ay nagdadrama kami ni papa.

"Di na tayo magkakahiwalay pa."
"Forever na tayong magkasama."

Pinahid ko ang luhang naglandas sa mukha ko at muli ay binigyan ko si papa ng ngiti.

"Oo nak."
"Di na ako aalis sa tabi mo."

Nagpalitan kami ni papa ng ngiti sa labi.

"Ituloy na po natin ang pagkain."
"Baka masira ang mga ito dahil sa kadramahan natin."

Nagpakawala ng malakas na tawa si papa dahil sa sinabi ko. Wala naman akong magawa kundi ang sabay sya sa malakas na pagtawa.

Nangibabaw sa buong kabahayan ang tawa namin ni papa. Nang makakalma kami ay saka namin pinagpatuloy ang pagkain.

Sa paglipas ng ilang minuto ay natapos na din kami sa pagkain. Nagawa ko namang ubusin ang mga pagkain na inilagay ni papa sa plato ko. Masarap magluto si papa ang pinagtataka ko lang ay bakit di ako nagmana sa kanya. Para ba itong katulad ng isang taong kumakanta pero ayaw naman ng kanta sa kanya? Ang kaso nga lang sa akin ay gusto kong magluto pero ayaw ng pagkain at pagluluto sa akin. Kaya palaging sablay ang mga luto ko.

Nang maayos at maligpit namin ang pinagkainan ay nagdiretso na kami sa sasakyan. Lagi naman akong inihahatid ni papa sa university. Isa lang din naman ang sasakyan namin.

Sa pagpasok ko sa loob ng sasakyan ay naisandal ko agad ang likod ko sa upuan. Nahimas ko pa ang tiyan ko na kulang na lang ata ay pumutok dahil sa sobrang kabusugan. Ngayon na lang ulit ako nabusog ng ganito.

"Ayos ka lang ba anak?"

Napalingon ako kay papa na kauupo lang sa driver seat na katabi ko. Di nawawala ang ngiti sa labi nya.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon