2Call: 24

34 5 0
                                    



"Swettie, habang wala ako dito I want you to be responsible enough in all your actions and duties here. Wag laging lumulutang ang utak mo. Wag ka laging nagdidaydream dahil hindi yan nakakatulong sa pagtatrabaho mo. Don't worry I will call from time to time just to check on the cafe. Can I trust you?"

Habilin ko habang inaayos ang gamit ko. Konti lang ang dala ko dahil may tira akong damit sa bahay nila at tyaka isang linggo lang naman ako at kung maextend naman baka mga ilang araw lang din.

Andito kami sa sala, naghabilin na ako bago umalis. Nakausap ko na si papa kahapon nung nasa cafe kaya si Swettie na lang pinaaalalahanan ko.

Kagabi ng sabihin ko sa kanya ang mangyayari ay nalungkot sya hindi dahil aalis ako kundi gusto nya na sya ang mag-alaga sa Bangtan. Nung sinabi nya yun gusto kong matawa and at the same time pumayag sa ideya nya kaso responsibilidad ko ang Bangtan at hindi sa kanya. Mahihirapan sya dahil mas ako ang nakakakilala sa BTS.

Ngayon na nananatiling busangot ang mukha nya at sa sahig lamang nakatuon ang paningin. Lumulutang na naman siguro ang utak. Napailing ako.

"Are you listening, Swettie?"

Humakbang ako palapit sa kanya para mapukaw ang atensyon nya at nakuha ko naman yun, nagangat sya ng tingin sa akin.

"Opo Ate. Naiintindihan ko po."

Sagot nya at nagbalik sa pagkakayuko ang ulo. Nagpakawala muna ako ng malalim na hinga bago ko sya nilapitan para bigyan ng yakap.

"Ayos lang yan. In time Swettie. Wait for the perfect time."

Gumanti naman sya ng yakap sa akin, mahigpit. Naramdaman ko din sa aking balikat ang kamay ni Papa.

"Nagiintay na ata sila sayo sa bahay Jurix."

Tumango ako kay papa ng magkalas kami ni Swettie, agad ko ding binitbit ang duffle bag na dadalhin ko kaso inagaw yun ni papa, hinayaan ko na lang.

Gagamitin ko ang sasakyan ko para hindi na ako mahirapan kung kailangan kong bumisita ng cafe.

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon para akong lumulutang, nagbabalik ang mga alaala dati nung bagong dating ko sa bahay nila pero ngayon iba na kasi kung dati sa van nila ako sakay ngayon sa sarili ko ng sasakyan ako nakasakay.

Kapag talaga may pagsisikap ka maaabot mo talaga ang lahat ng mga pangarap mo. Walang impossible kung buo ang loob mo, matatag ka, may pangarap ka at matyaga ka.

Habang wala ako si papa muna ang mamamahala at magbabantay sa cafe, nasabihan ko na din lahat ng empleyado ko kaya alam kong walang magiging problema at tyaka sapat ang stock ng cafe.

Abala ako sa pagmamaniobra ng sasakyan ng biglang tumunog ang cellphone ko. Buti at nakastop ang traffic light sa unahan kaya naibigay ko ang buong atensyon sa selpon na tumutunog, ni-loudspeaker ko iyon.

"Hel—"

"Noona!"

Napangiti ako sa boses na yun ni JK. Kagabi ay tumawag ako sa kanila para ipaalam na babalik na ulit ako sa kanila.

"Oh... Dongseang. Napatawag ka?"

I tease him. Ayaw nyang tinatawag ko syang ganun, binata na daw sya kaya dapat daw oppa tawag ko. Natawa ako. Siguro'y nakanguso na yun ngayon.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora