Call: 14

880 34 23
                                    

Busy week guys. Singit-singit lang ako sa pagtatype. Please understand. Thanks. ☺

Enjoy this one, though.❤

---

"Nak."
"Okay ka na?"

Napaangat ako ng tingin kay papa dahil nakaupo nga ako sa sofa. Nasa harapan ko sya at kasusukbit lang nya ng bag nya.

"Opo pa."
"Tara na po."

Tumayo na ako at kasabay noon ay sinukbit ko na din ang backpack bag ko.

Friday ngayon at papasok na ako sa skul. Pinayagan na din ako ni papa na pumasok sa skul — sa wakas. Apat na araw akong absent dahil di nga ako pinapayagan ni papa na pumasok dahil nga nagkasakit ako.  Sa totoo naman nyan  ay nung myerkules pa maayos ang pakiramdam ko, umataki lang talaga ang pagkapraning papa ko. Kung di pa nga ako nagmakaawa ng todo-todo kahapon kay papa baka hindi pa din nya ako papasukin ngayon.

Nauna si papa na lumabas ng pinto at ako naman ay nakasunod sa likuran nya.

Agad na binuksan ni papa ang pinto kung saan ang driver seat. Naglakad naman ako papunta sa gate para buksan ito.

"Ako na anak."

Napatingin ako kay papa na palapit na sa akin. Inalis nya ang kamay ko sa bukasan ng gate.

"Pumasok at maupo ka na lang sa loob ng sasakyan.."

Napatingin ako kay papa habang binubuksan nyan ang gate.

Dapat ko na bang ikabahala ang pagiging praning ni papa?

Naglakad ako papunta sa pintuan ng sasakyan kung saan ako uupo. Hawak ko na ang bukasan ng sasakyan ng bigla namang may bumusina kaya napatingin ako sa kalsada.

Anong ginagawa ng mga ito dito?

Pagtatanong ko na lang sa utak ko ng isa-isang naglabasan mula sa coaster van ang Bangtan Boys. Malawak ang pagkakangiti nila sa amin.

Hindi nila nakikita ang problema pero ako kitang-kita ko na ang problema. Apat na araw nga akong nasa bahay at ganun din sila. Apat na araw silang nagpabalik-balik sa bahay namin. Mula umaga hanggang sa maggabi ay nasa bahay namin sila sa apat na araw na yun. Kung ano-ano ang pinaggagawa nila sa bahay namin. Tinulungan nilang magluto si papa. Nanuod din sila ng sari-saring pelikula. Naglaro din sila ng PSP at maging ang mga board games na nakatabi ay inilabas nila para laruin. Ginawa nilang amusement park at restaurant ang bahay namin. At ngayon eto na naman sila.....

"Ano na namang ginagawa nyo dito?"

Inalis ko ang kamay ko sa bukasan na pinto para harapin sila ng maayos. 

"Wala na akong sakit kaya pwede na kayong bumalik sa praktis nyo."
"Sumusobra na kayo."
"Ginagawa nyo lang rason ang pagkakasakit ko para makapagpahinga kayo sa praktis at trabaho nyo."
"Ako ang masasabon nyan sa opisina."

Mahabang pagbubunga ko sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin ng diretso. Di sila umiimik. Payapa lang silang nakamasid sa akin. Iniinis ba nila ako?

"Ang ingay mo Jurix."

Kumento ni RM ng ibaling nya ang ulo sa gilid.  Eto na naman sya. Magaling na ako kaya nagsisimula na naman sya.
"Noona."

Ipinaling ko na lang ang ulo ko kay JK para mawala ang pagkabwisit ko kay RM. Nakangiti sya sa akin.

"Anong ginagawa nyo dito mga iho?"

Singit na tanong ni papa habang nakapamewang. Nilapitan pa nya ang mga ito. Napatingin din si RM kay papa.

Sa apat na araw na andito sila sa bahay namin nakita ko kung gano sila natatakot sa presensya ni papa. Hindi sila sumasagot ng pabalang kay papa. Napakagalang pa nilang sumagot dito.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Where stories live. Discover now