Call: 5

1.6K 74 6
                                    

"Oh nak. Ayos ka lang ba?"

Bungad na tanong ni tatay sa akin ng makalapit ako sa dining table. Naiipikit ko pa din ang mata ko dahil sa sobrang antok. Gusto kong matulog pero di naman pwede. Sabi nga walang grasyang lalapit kapag tamad ka. Kailangang gumalaw-galaw para gumagalaw din ang pagpapala.

"Magandang umaga po tay."
"Wag po kayong magalala, maayos po ako."

Sagot ko ng maupo ako habang nakapikit sa upuan ko sa dining table. Nakapikit din ako habang sumasandok ng kanin.

"Nak? Ayos ka lang ba talaga?"

Ulit na tanong ni tatay sa akin. May halong pagaalala na iyon.

"Opo tay."
"Maayos po ako."

Ulit ko din namang sagot sa kanya. Nanatili pa din akong nakapikit. Antok na antok pa talaga ako.

"Bakit sa lamesa mo inilalagay ang kanin mo?"
"Okay kalang ba talaga?"

Huh?

Agad akong napamulat ng mata at tiningnan ang hapag. Katulad ng sinabi ni tatay nasa lamesa nga ang kanin na sinandok ko.

"Naku. Pasensya po tay."

Haissstt...

Sinandok ko yung kanin na nakalagay sa lamesa at inilipat iyon sa mangkok ko. Wala pa namang isang minuto kaya pwede pa kainin. Marami ng taong nagugutom sa mundo kaya di ko na dapat pang dagdagan yun.

Nagpatuloy na kami sa pagkain. Di na din naman ako kinausap pa ni tatay. Nawala na din ang antok ko dahil sa nangyari.

Matapos naming kumain ay ako na ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan namin. Nagpaalam naman si tatay na babalik daw sya sa kwarto nya.

Nang matapos akong maglinis ng pinagkainan namin ay nagpasya akong magpahinga sa living room. Payapa akong humiga sa sofa na andun. Medyo masakit din ang katawan ko, nabugbog ng masyado dahil sa pakana ng mga mokong na yun na mag ice skating.

"Nak?"

Dinig kong tawag ni tatay sa akin kaya naimulat ko ang mata kong kapipikit lang. Pababa sya ng hagdan at nakabihis na sya.

"Alis na ako."
"May pagkain dyan sa ref kumuha ka na lang pag nagutom ka."
"Di ka ba aalis ngayon?"

Nakatingin lang ako kay tatay habang dire-diretso nyang sinasabi yun. Nakalapit na din si tatay sa pwesto ko. Tiningnan nya ako sa mata.

"Jurix. Nak."

"Po."

Nabalik ako sa ulirat ng muli akong tawagin ni tatay. Dala siguro ng sakit ng katawan kaya pati utak ko ay lumilipad na din.

"Nakikinig ka ba sa akin?"
"Okay ka lang ba nak?"

Paniniguradong tanong ni tatay sa akin. Hinipo nya pa ang leeg at noo ko.

"Ayos lang ako tay."
"Sige po. Umalis na po kayo."

Tumayo ako sa sofa at kasunod noon ay hinigit ko na si tatay palabas ng bahay.

"Wag na po kayong magalala sa akin."
"Di po ako aalis ng bahay."
"Gusto ko na lang pong matulog at magpahinga."

Paliwanag ko habang patuloy pa din na hinahatak ko papunta sa labas ng bahay si papa. Wala akong plano ngayon na magalaga ng mga mokong na yun. Kailangan ko din namang magpahinga.

Hinatak ko si tatay hanggang sa sasakyan. Ako na din ang nagbukas at nagsara ng pinto.

Napabuntong hininga nalang ako matapos na makaalis ng tuluyan si papa. Di ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman sa loob ko na di ko maipaliwanag. Sa totoo lang ay kahapon ko pa nararamdaman ito nung nasa theme park kami.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant