Call: 19

91 5 0
                                    




Sa sumunod na mga araw ay nagpatuloy ang pagiging estudyante ko, assistant ng Bangtan at ang bago kong pinagkakaabalahan, ang cafe. Mahirap i-manage ang oras dahil isa lang ang katawan ko at hindi ko alam kung pano ko hahatiin ito para magampanan ko lahat. Pero sabi nga sa banal na aklat na, "hindi tayo makapaglilingkod sa dalawang panginoon. Pagtutuunan ng pansin ang isa habang ang isa ay babaliwalain", in other word, mahirap.

Kahit sa nararamdaman, mahirap hatiin ang nararamdaman kaya pinili ko na lang na di isipin ang kilos na binibigay ni monster. Maybe it's just nothing. Trip nya lang ako. At tyaka marami akong pinagkakabusyhan kaya wala na para sa kanya.

Habang pilit kong ginagawa ang best ko sa pag-aaral, pag-aalaga sa boys at pagaasikaso ng cafe hindi ko namamalayan na yung katawan ko ay bumibigay na pala. Isang araw habang inaasikaso ko ang interior ng cafe bigla na lang akong bumagsak at nawalan ng malay.

"Nak, ano nararamdaman mo?"

Tanong agad sa akin ni papa ng maimulat ko ang aking mata. Nasa ospital ako ngayon — emergency room — base sa nakikita kong kaabalahan sa paligid ng mga taong nakasuot ng puting damit. Umupo ako ng pilit at agad din naman akong inalalayan ni papa.

"Ayos lang po ako pa. Uwi na po tayo. "

Ayaw ko nagtatagal sa ospital dahil mas nagiging iba pakiramdam ko.  Bumalatay ang pag-aalala sa mukha ni papa, di pa din nya inaalis ang kamay sa aking siko.

"Uwi na po tayo. Sa bahay na ako magpapahinga. "

Pinadausdos ko ang mga binti sa gilid para maabot ang sahig.  Sa sobrang hectic ng schedule ko nitong nakalipas na linggo hindi ko na nabigyan ng panahon ang katawan kong makapagpahinga. Exam week sa skul tapos full sched din ang boys dahil mas lalo silang nakikilala sa industriya ng musika, samahan pa ng cafe ko na on-going ang pagaayos ng interior. Hindi ko din masisisi ang pag-aalala ni papa sa akin. Minsan nakakalimutan ko na kumain at minsan di na rin nakakatulog ng kumpleto laging dalawa, tatlong oras lang ang tulog.

"Pa–"

"Jurix, intayin muna natin ang doktor. Hindi ka pa natitingnan ng mabuti. Mapapanatag ako kung nachicheck-up ka ng maayos. Nag-aalala na ako sa iyo anak, ang laki ng binawas sa timbang mo. "

Napadako ang paningin ko sa braso ko na hawak ni papa.  Ang laki ng kamay nya at sa paghawak nya sa braso ko parang humahawak lang sya ng stick.  Ang laki nga ng pinayat ko.

"Sige po pero pagkatapos na pagkatapos umalis na tayo. Feeling ko lalo sumasama pakiramdam ko pag nanatili ako dito.  Ayaw ko sa ospital pa. "

Sumangayon naman si papa sa nais ko at wala pang ilang minuto ay nagpakita na ang doktor sa amin. Sinabi nito na mal-norish daw ako at over fatigue ang dahilan ng pagkakahimatay ko. Kitang-kita ko pa ang pagpipigil ng hininga ni papa habang dinidinig ang sinasabi ng doktor sa amin. Tingin ko mas nagaalala ako sa papa ko kaysa sa sarili kong katawan. Ayaw kong nakikita na nahihirapan si papa. Dala na ako kay mama noon kaya di ko na hahayaan na mangyari kay papa ang ganun.

"Ok. Ganto. Reresitahan kita ng vitamins para hindi ka madaling dapuan ng sakit, kailangan mo ring uminom ng madaming tubig at kumain ng gulay. Make your eating habbit healthy everytime. Bawasan mo ang kape. "

Tango lang ang ginawad ko sa lahat ng sinasabi ni dok. Yun kasi ang mas madaling paraan para makauwi na agad kami. Hindi ako nangangako dahil alam ko na lahat naman ng pangako minsan huhahantong sa pagkapako.

Binili na namin agad ang sinabi ni dok na vitamins. Ang hindi lang matanggal sa isipan ko ay yung bawasan ang paginom ng kape. Pano ako magtatayo ng coffeeshop kung hindi ko titikman ang kape na gagawin ko? Mahirap ata yun.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Where stories live. Discover now