2Call: 23

47 5 0
                                    



Antok na antok ako.

Pabagsak akong naupo sa office chair ko dahil sa pagod. Umagang-umaga palang ay ganito na ang nararamdaman ko.

Magdamag kong binantayan si V dahil sa trangkaso. Sa sobrang hectic ng schedule nya bumigay na katawan nya. Nagkasabay-sabay ang lahat, taping, practice at photoshoot plus yung mga guesting pa nila tapos may mga event pa sa labas ng bansa.  Madami din naman ako ginagawa pero di ko maimagine yung "dami" ng sa kanila.  Kung ang robot o makina nga dapat ipagpahinga para di magoverheat tayo pa kayang tao na may limitations at hindi talaga perfect? People should learn not to assume much to other dahil kahit anong pilit natin once na nagassume tayo masasaktan at masasaktan tayo. Bangtan boys are still humans, alam kong kailangan nilang mag-fan service pero dapat hindi sobra na parang inaalipin na nila ang mga alaga ko. They have their own struggles ang problems, way harder and difficult than those normal people.

"Hello."

"Jurix."

Shit! Bat si RM pa nakasagot?

"How's V?"

Kung gano kaseryoso boses nya ganun din ginawa ko. Sa pagbabantay ko kay V dinamayan naman ako ng iba, si Jin, JK at Jimin. Hindi nakapagbantay yung iba dahil sa kailangan nilang tapusing mga composition. Well, I do understand them dahil sa kanila din umaasa ang grupo but talking to this monster is not a good idea.

Asan na ba 'to? Di na nagsalita.

"RM? You still there?"

Pinikit ko ang mata ng maramdaman na naman ang antok, sinandal ko din likod ko para mas kumportable. Di ko alam kung kailangan ko pang bumalik dun mamaya.

"He's fine now. Don't worry about him."

Kelan ba ako masasanay sa attitude nito? Yung parang laging bad mood? I imagine him frowning.

"Ok. Good to hear that. But still if I find time I'll visit again."

"Ok. I'll end this call. Bye."

Bago pa makapagreact tunog ng end call nadinig ko. Ang boring nya makausap.

RM? You got no jam!

Pinili ko munang pumikit ng mga ilang minuto. Hindi ako magiging epektibo kung ganto nararamdaman ko. Mamaya kailangan ko pang pumunta sa kabilang cafe para icheck mga stock at mga tauhan ko dun. Dahil bago pa ang BTS cafe kinailangan ko munang manatili dito para mamonitor ang lahat tutal medyo gamay ko na at nung mga tauhan ko ang kabila kaya hindi ako masyadong namomroblema.

"ANG BASTOS MO NAMAN! NASAN BA ANG MAY-ARI PARA MAIREKLAMO KITA!!"

Napamulat ako ng mata ng madinig ang komosyon sa labas. Sa lakas ng boses nung babae tumagos yun mula sa pader ng opisina ko. Nilabas ko sila para malaman ano nangyayari.

"What is happening here?"

Nakatalikod ang babae sa akin pero pamilyar ang awra nya habang nasa harap nya si Swettie na nakayuko, parang guilty sa nagawang kamalian.

Matapos sumingit ay nagsilingunan sila sa akin at hindi nga ako nagkamali sa babaeng nagkakalat.

Mmmm. Well I commend her speaking. Nice.

Pinanlakihan sya ng mata pero di rin yun nagtagal dahil mas pinakita nya ang ugali nya sa pagtaas palang ng kilay. Ganun pa rin ang ugali nya.

"Ano problema dito?" Kalmado kong tanong.

"Ow. Jurix Ignacio. Long time no see." Napangiwi ako.

"Do I know you? Sorry. Who are you again?"

One Call Away [BTS]  [HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon