Call: 7

1.2K 71 25
                                    

Naalimpungatan ako kaya bumangon ako at nagpasyang kumuha ng tubig sa fridge. Madilim ang buong kabahayan dahil sanay kami na pinapatay ang buong ilaw pag natutulog sa gabi. Madali din namang magadjust ang paningin ko sa dilim kaya di ako nahihirapan.

Sa paglalakad ko patungo sa kusina ay naaninag ko ang isang lalaking nakatayo sa tapat ng fridge. Nakatalikod ito sa akin kaya di ko mamukhaan kung sino ito. Kung may ano din syang kinukuha sa loob ng ref.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya.

"Hey."

Sambit ko ng hawakan ko ang braso nya. Agad naman syang napabaling sa akin. Hawak pa nya ang isang baso na may lamang tubig.

Kala ko kung sino. Yung halimaw  lang pala. Este yung lider pala.

"Ah... Ikaw pala yan."

Bored na wika ko kay RM. Sa dami naman ng pwede kong maabutan dito, bakit sya pa?  Bakit?

"Bakit?"
"Sino ba ang inaasahan mo?"

May pagkainis sa tono ng boses nya. Wala ba sa bukabolaryo nya ang cease fire? Palaging mainit ang dugo sa akin. Di pa nga sumisikat ang araw sira na agad ang araw ko.

"Pwede bang wag mo akong simulan?"
"Madaling araw palang."

Iniwas ko ang tingin sa kanya at naglakad ako papunta sa fridge para kumuha ng tubig. Natutuyuan lalo ako sa lalaking ito.

Bakit parang sumarap ata ngayon ang tubig. Nagiiba ba ang lasa ng tubig pag madaling araw?

Untag ko sa isipan ko habang dire-diretsong nilalagok ang tubig sa baso. Nanatili pa din na nakatayo sa gilid ko si RM. Di sya gumagalaw sa kinatatayuan nya.

"Wala ka bang planong umakyat sa kwarto mo?"
"Ano? Dito ka na matutulog?"

Tanong ko kay RM matapos kong ibaba ang basong pinaginuman ko sa may lamesa.

"Why are you like that?"

Out of no where na tanong ni RM sa akin. Di ko namang napigilan ang pagtaas ng kanang kilay ko. Anong klaseng tanong yun? Seriously? Sa madaling araw?

"Anong klaseng tanong naman yan?"
"Umakyat ka na nga lang sa kwarto mo."
"Sigurado akong----"

"I repeat..... Why are you like that?"

Putol ni RM sa sinasabi ko. Nilapitan nya ako at ikinulong sa pagitan ng lamesa na nasa likuran ko at sa katawan nya. Ang lapit ng mukha nya sa mukha ko.

"Ano bang nangyayari sayo?"
"May sakit ka ba?"

Naguguluhan na tanong ko. Pilit din ang pagngiti ko. Sinapo ko  ang noo nya para pakiramdaman ang temperatura nya.

"Tsk!!"
"Wala akong sakit."

Lumayo sya sa akin at tumalikod.

"Wala akong mapapala sayong sagot."
"Dyan ka na nga."

Dagdag nya tapos ay naglakad na sya papunta sa hagdan. Walang lingon-lingon sa pwesto ko.

Tsk!! Mas malala ata ang sapak nya pag madaling araw.

"Why are you like that?"

Ulit ko sa tanong nya habang gumilid ako ng sandal sa lamesa. Nakatingin din ako sa hagdan na inakyatan nya.

"Huh? Ano daw?"
"Ano namang isasagot ko sa tanong nyang yun?"
"Parang sira lang."
"Ang hirap nya talagang kausap."

Mahinang angal ko pa. Hay!! Madaling araw pa lang pero pinasakit na nya agad ang ulo ko.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon