Call: 16 (Flashback)

265 9 4
                                    

Mama miss na miss na kita. Nararamdaman nyo po ba ang takot na nararamdaman ko ngayon? Andito ako ngayon sa bahay ng pitong lalaking na sa tingin ko naman ay mababait-sa tingin lang. Sa tingin ko nga ay malaki talaga ang impluwensya nila dito sa korea dahil sa itsura nila. Ang lalakas ng dating. Feeling ma na hindi makikilala ang korea pag wala sila; ganun yung pakiramdam. Pero ma, salamat po dahil alam kong ginabayan nyo ako. Di man ako agad napadpad kay tatay, mabuti na ring sa mabubuting tao ako napunta- sa tingin ko pa din. Maraming tumatakbo sa utak ko ngayon Ma pero dahil sa inyo nagagawa kong lakasan ang loob ko. Ma, samahan nyo ako hanggang sa makita ko si tatay. Mahal na mahal po kita.

Pinalis ko ang luhang naglandas sa mata ko habang pinagmamasdan ang litrato namin ni mama.

Kaya mo'to Jurix. Kakayanin mo ito.

Tumayo ako sa kama ko at nagtungo sa banyo dahil para maghilamos ng mukha. Andito ako sa kwartong binigay nila sa akin, sakto lang ang kwarto para sa akin, hindi sya malaki pero hindi rin naman maliit. May sarili ding banyo ito at may kabinet din para sa mga damit at gamit ko. Ala cinco na ng umaga kaya kailangan ko na namang magsimulang magbayad ng utang na loob sa mga lalaking yun. Isang linggo na akong tumutuloy sa kanila at ngayon ay nararamdaman ko na ang hiya. Libre nila akong pinatutuloy, pinatutulog at pinakakain, di ko man naririnig mula sa kanila ang reklamo tungkol sa akin, hindi ko pa din mapigilang ang hiya ko. Pilipina ako kaya nasa bokabularyo ko ang salitang yun.

---

"Good morning."

Bati ko ng makitang bumababa na silang pito sa hagdan.

"Good morning Jurix."

Balik ni jhope sa akin. Malawak ang ngiti nya na para bang maganda ang simula ng araw nya. Paglingon ko naman sa kanan ni Jhope ay nakita kong nakatingin sa akin si Suga. Nagulat man ako di ko naman pinahalata sa kanya. Tinabunan ko yun ng isang ngiti sa labi na sana hindi nahalatang pilit. Buti nga at tumugon sya ng isang marahan na tango. Nakahinga ako ng maluwag dun.

Sa isang linggo kong paninirahan sa kanila medyo naiilang pa din ako hanggang ngayon. Buti nga at kinakausap na ako ng ilan kagaya ni Jhope at Jungkook, yung pinakabata sa kanila.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Where stories live. Discover now