Call: 4

1.8K 86 1
                                    


Lumipas ang isang linggo at awa ng Diyos ay gumaling na ako mula sa pagkakasakit ko. Nakahinga din ako ng maluwag dahil naihabol kong ipasa ang lahat ng paperworks ko. Buti nga't napakiusapan ko ang mga professors ko. Hinipo ata sila ng Maykapal kaya naawa at nahabag sa akin.

"Jurix!!"
"Girl!!"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa malakas na sigaw na yun na tinatawag ang napakaganda kong pangalan. At dahil sa tono ng boses na yun, alam na alam ko na kung sino anh tumatawag na yun sa akin.

Dahil ba sa sobrang ganda ko kaya di nila ako malubaylubayan?

Nakangiting hinarap ko sila. Nasa labas na ako ng building at naglalakad naman papunta sa gawi ko si Juliet kasama ang mga kabuddy nya.

"Why?"
"Do you need anything?"

Eto na naman ako sa ingles ko. Naku po!! Problema talaga ang dala ng mga kano na ito.

Nakangiti namang huminto sa harapan ko sila. Nagpamewang pa si Juliet. Napaatras naman ako ng konti dahil  ayaw ko talagang pumapantay sa kanya. Maliit na nga ako, mas lalo pa akong lumiliit dahil sa kanya.

"Come, join us."
"We're going to the mall."

Napatingin ako sa mga kasamahan nya dahil sabay-sabay na nagtatango ang mga ito.

"Uhmm..."
"I'm sorry... but I have a lot of things to do.."

Gusto ko mang sumama sa kanila, pero kasi baka magmukha lang akong alalay nila. Alalay na nga ako ng Bangtan Boys pati ba naman sa mga ito magiging alalay na din ako.... Wag na oy!!!

"Oh come on.."
"It's our school break."
" Don't ignore us jurix... Please..."

Pinagkiskis ni Juliet ang dalawang palad nya sa harapan ko. Nakanguso pa sya habang nagmamakaawa.

Kainaman na ang babaeng ito. Marunong din palang magpabebe.

Nakamot kona lang ang ulo ko dahil di ko alma ang aking gagawin. Wala na akong maisip pa na ibang idadahilan.

"I'm really sorry guys but my father told me that I need to go home early.."
"Sorry."

Panibagong alibi ko. Hayy. Sana tumalab na ito ngayon. Wala na akong reserba pag nabigo pa ako sa pagkakataong ito.

"I'm so sorry guys."
"I'll try next time."

Dagdag ko pa para mapaniwala ko sila lalo. Di ko lang alam kung sa next time na yun ay makakasama talaga ako sa kanila. Ipananalangin ko na lang na sa next time na yun ay di na nila ako ayain pa.

"Okay fine..."
"You promise that...."

Napalunok ako ng laway dahil sa narinig ko. Patay na ang naglason. Goodluck na lang sa akin sa next time na yun.

"Ye--yeah."
"Sure. Sure."
"Ne--next t--time."

Bulol-bulol na wika ko sa kanila. Napangiti pa ako ng alangan. Ano ba itong napasok ko? Hirap naman oh!!

"Alright then... Bye!!"

Masiglang kinaway ni Juliet ang kamay nya sa akin para magpaalam. Kumaway na din ang iba nyang kasama sa akin.

Hayy..... Ano bang meron sa akin? Bakit ba nila ako hinahabol?

Tunay nga ata ang kasabihan na, ang tunay na maganda ay di nabiyayaan ng height.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Ngayon nga ay labas na kami. Maaga kaming pinalabas dahil school break nga namin gaya ng sinabi ni Juliet. Masaya naman ako dahil makakapagpahinga ako ng mahaba-haba. Halos isang buwan din kasi ang itatagal ng break na yun. Masyado din sigurong nastress ang mga professors namin kaya kailangan nilang magpahinga.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon