Call 20

68 6 2
                                    


After 1 year.

Sa dami ng nangyari di ako makapaniwala na dadating ang araw na ganito kung saan may isa pa akong matutupad na pangarap.

"Choi Ignacio Jurix"

Napaangat ako ng tingin sa stage. Nililipad ng hangin ang kulay itim na palawit ng toga na suot ko. Ito na ang araw ng pagtatapos ko sa kolehiyo.

"Nak! Iniintay ka na! Tayo na!"

Napalingon ako kay papa sa gilid. Kahit malayo nakikita ko ang saya sa mga mata nya.

Napatayo na ako dahil sa pagkasabik ni papa. Tinahak ko ang daan patungo sa entablado ng punong-puno ng kagalakan.

Mama, nakikita mo ba ako ngayon? Para ito sayo. Ikaw ang isang dahilan kung bakit nagpatuloy ako sa pagpasok at pagkuha ng kursong ito. Sana napasaya kita ngayon. Para sa iyo ito mama. Mahal na mahal kita.

Nang makarating sa itaas napagtanto ko kung gano karami ang tao na nanunuod at dumalo ng graduation na ito. Lahat sila mababatid mo ang saya.

"Here's your diploma. Congratulations."

Inabot na ng dean namin ang diploma ko na parang tumanggap ako ng gold bar. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong tumanggap ng kayamanan.

"Thank you so much. Thank you for this. "

Saad ko habang kinakamayan ko sya.

"You deserve this. Pursue your dreams."

"I surely will. "

Yumuko ako bilang paggalang.

Agad akong humarap kay papa para ipakita ang diploma na sa wakas ay nasa akin ng mga palad. Masaya akong bumaba at nagtungo sa kinaroroonan ni papa. Gusto kong mayakap sya.

"Pa! Ito na po. Para po sa inyo ito ni mama."

Niyakap ko sya ng mahigpit.

"I'm so proud of you anak. I'm sure na masayang-masaya ang mama mo. "

Di ko mapigilang pangilidan ng luha hindi sa lungkot kundi sa sobrang tuwa.

Natapos ang seremonya ng puno ng ngiti at tawa. Masaya kami ni papa na nagtungo sa sasakyan patungo sa cafe. Yes. Nagbukas na ang aking cafe kaya doble-doble ang aking kasiyahan. Hindi pa riyan nagtatapos, hindi ko inaasahan na ganung kadaling papatok ang coffee shop ko. May mga nadidinig ako sa ilang kostumer na nagustuhan nila ang kape na tinitimpla ko, kakaiba daw sa panlasa nila at masarap. Maging ang mga pastry na pinagaralan kong mabuti at pinaglaanan ng oras ay nagustuhan din nila.

Sa bansang ito dati isa akong dayuhan pero ngayon nararamdaman ko ng parte at taga rito na ako.

Sa mga nakalipas na buwan para akong sumuot sa butas ng karayom. Sa bansang ito hindi basta-basta ang makatapos sa kolehiyo, marami ang bumabagsak. Marami kami nung pasukan pero ngayon ilan lang kaming nakapagtapos. Malungkot para sa iba na di namin nakasama kumuha ng diploma pero hindi ko pa rin maitago na isa ako sa nakapagtapos at naabot ang pangarap.

Masaya kaming nagtungo sa shop dahil dun namin napagpasyahan na ipagdiwang ang pagtatapos ko. Isang maliit na salo-salo lamang dahil yun din ang ginusto ko.

Habang nasa daan hindi ko pa din mapaniwalaan ang nangyayari, para lang akong nananaginip pero pag nararamdaman ko sa aking kamay ang diploma na hawak ko at nakikita ko napapaniwala talaga ako na tunay nga ito at hindi ito biro.

"Pa?" Sinulyapan ko si papa.

"Hmmm?" Nakangiti naman syang tumingin sa akin.

"Gusto kong umuwi." Nalito sya sa sinabi ko. Bakas sa mukha nya. "Gusto ko makita si mama. Gusto ko ipakita sa kanya ang diploma ko." Di ko napigilan ang pangilidan ng luha.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz