2Call: 21

90 6 0
                                    


This will be the continuation of "My Handsome V".

"Hi nay."

Binaba ko ang payong ng hawak at inalis ang face mask at salamin para mas maaninag ang puntod ni mama. Sa tapat ng lapida ni nanay inilapag ko din ang bulaklak na binili ko.

"Miss na kita ng sobra."

Pinunasan ko ang pisngi kong nabasa ng luha. Ang tagal kong ginusto na umuwi at bisitahin ang puntod ni nanay at ngayon eto na nga.

Nagsindi ako ng kandila.

"Pasensya na nay di ko naisama si papa, kailangan nya kasing magpaiwan dahil walang magaasikaso ng cafe at may iba pa din syang trabaho." Napangiti ako ng malamlam at yumukod. "Sa susunod na lang sya nay. "

Hinawi ko ang ilang ligaw na damo na tumatakip sa lapida ni mama. Halos isang oras ko ding hinanap ito dahil nga sa katagalan ay di ko na maalala at madami na ding nagbago sa sementeryo.

Gamit ang kamay hinaplos ko ang lapida, dahan-dahan ko pang pinadaan ang kamay ko sa pangalan ni nanay at maging sa taon kung kelan sya pinanganak at namatay.

Pumatak muli ang luha sa aking mata ng magrehistro sa aking isipan ang nakangiting mukha ni nanay. Miss na kita nay. Sobra. Maamo ang mukha nya, mababatid mo sa mukha nya ang kabaitan at pag-ibig. Mahal na mahal ko ang aking ina, sya ang nagtaguyod sa akin simula ng maliit pa ako.

"Heto po nay." Pinakita ko ang diploma ko. "Para po sa inyo. Unti-unti ng natutupad ang mga pangarap natin. Nakita ko na si papa at nakapagpatayo na din kami ng cafe." Di ko mapigilan ang luha sa aking mata. "Dapat nandito ka nay. Dapat kasama ka namin ni papa, nay." Masaganang dumaloy ang luha sa aking mata, nababasa na din ang damit ko. Hinayaan ko na lang.

"Neng, kaano-ano ka ng nakalibing dyan?"

Napaangat ako ng ulo, isang matandang nakatayo at nakatingin sa puntod.

"Po?" Habang tumatayo ay pinupunasan ko ang pisngi kong nabasa ng luha. "Anak nya po ako. Bakit po?" Ngumiti sya sa akin.

"Wala naman ineng. Akala ko kasi wala ng bibisita dyan. Palagi akong dumadaan dito at di ko mapigilang sulyapan yan dahil nga masyadong napapabayaan..... Ikaw pala ang anak. Buti nakabisita ka ngayon. "

Parang may dumagan na mabigat sa aking dibdib. Naging pabaya ba ako? Nay?

"Ah. Manong. " nilingon ko sya at deretsong tumingin sa mata. "Pwede po bang kayo mag-alaga sa puntod ng nanay ko? Babayadan ko na lang po kayo. "

Pinaunawa sa akin ni manong na dapat inaalagaan ko ang puntod ni nanay pero dahil nga hindi ako makakauwi dito taon-taon sa kanya ko na lang ipapaubaya.

"Bakit neng? Ayos lang naman sa akin. " Hinawi nya ang iba pang damong ligaw na halos yumakap sa puntod ni nanay.

"Pansamantala lang po kasi ako dito. Binisita ko lang po talaga si nanay. Galing po akong korea. Dun na din po ako nakatira kasama ang papa ko kaya po baka hindi ko po madalaw si nanay palagi." Tumango-tango naman si manong siguro ay dahil naunawaan nya na ang sitwasyon ko.

"Marami pong salamat."

Hinanap ko sa loob ng bag ko ang wallet para mabigyan sya ng bayad.

"Heto po." Nagabot ako ng limang libo.

"Abay, sobra-sobra eto neng. " Binabalik ang sobra na tinatanggihan ko naman.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Where stories live. Discover now