Call: 11

1.2K 52 12
                                    


Mabilis na lumipas ang araw. Halos tatlong buwan na ang nakalilipas ng magsimula ang aming klase. Nanatili pa ding tahimik ang pamumuhay ko sa skul sa kabila ng ginawa ng mababait kong alaga. Buti na nga lang at hindi na inusisa pa ng iba ang tungkol sa nangyari.

"Pa. Pasok na po ako."
"Salamat po sa paghatid."
"Mahal ko po kayo."

Masayang wika ko ng akbayan at halikan ko si papa sa pisngi. Nasa harapan na kami ng university.  Unang pasukan ngayon para sa pangalawang semestre kaya panibagong kakaharapin na naman para sa akin.

Diretso akong naglakad sa pathway patungo sa building namin.  Nakasukbit sa kanang balikat ko ang isang strap ng backpack ko. Sa kaliwang kamay ko naman ay ang file case na naglalaman ng sari-saring papel. Yung iba ay mga scratch na hindi ko naalis dahil sa kabusyhan.

Sa pagpasok ko sa building namin ay natanaw ko si Juliet. Masaya syang naglalakad kasama ang kanyang kalahi.  Pansin ko ang ibang lalaking napapasulyap sa kanila.

Pano ba sya hindi titingnan? Halos makita na ang lahat ng nakatago sa kanya.

Litanya ko na lang habang sinisipat ang napakaikling skirt ni Juliet. Bahagya pa itong tumataas dahil kumikembot pa sya habang naglalakad.

Napapailing ako habang naglalakad. Sina Juliet naman ay walang pakialam sa paligid. Ang importante sa kanya ay maganda sya. Yun lang.

Nang makarating ako sa pintuan ng classroom namin ay napahinto ako. Nakatigil sina Juliet sa pinto kaya di ako makadaan.

"Excuse me?"

Wika ko sa normal na tono. Inilipat ko ang file case na hawak ko sa kanan. Humarap naman si Juliet sa akin.

"Oh. Hi Jurix."
"It's good to see you."
"How have you been?"

Maarteng wika nya ng tumabi sya sa akin at akbayan ako.

FC na naman ang babaeng to. Mapapasabak na naman ako sa inglesan.

"I'm fine Juliet."
"Thanks for the concern."

Tumango-tango naman sya sa naging sagot ko.

"Hey Juliet."
"Who's that handsome boy out there?"

Tanong ng kaibigan ni Juliet. Sabay naman kaming napatingin ni Juliet doon sa tinuturo nya.
"He's hot Juliet."
"No doubt."

Kumento ng isa pang kaibigan ni Juliet. Napatitig naman ako ng mabuti sa lalaking tinutukoy nya.

 Napatitig naman ako ng mabuti sa lalaking tinutukoy nya

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Tama sya. May itsura nga.

Hindi ko maalis ang mata ko dun sa lalaki. Para ngang dumikit na ang mata ko sa kanya. Pilit ko mang ialis ay di ko magawa.

"He's seating beside your place. Jurix."

Naipaling ko ng kaunti ang paningin ko pakanan kung saan andun ang aking lamesa. Napatunayan kong tama nga ang sinabi nya. At dahil doon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora