Call: 10

1.5K 68 13
                                    


(A/N)

This update is "BANGTAN BOYS POV". Lahat sila ay magkakaroon ng point of view sa update na ito.

Hope you enjoy it guys. Nakakatuyo ng utak. Haha. Hindi basta-basta ang update na ito. Sakit sa bangs.

Please do vote for it. Nakakabawas po yun ng pagod. Haha.

Maraming salamat.
Love lots.
❤❤❤

*********

*BANGTAN BOYS POV

---

- RM's POV -

"Let's go."

Maotoridad na saad ko sa kanila habang abala sila sa pagaayos ng pinagkainan namin.

"Kung tumutulong ka ba sa pagliligpit edi madali tayong matatapos at makakauwi."

Sagot ni Jurix habang nakapamewang at salubong ang kilay na nakatingin sa akin.  Sa halip na sagutin ko sya, ang ginawa ko na lang ay tinitigan sya sa kanyang mga mata.

Tsk. This women is unbelievable. Ibang-iba sya sa lahat ng babae nakikita ko at nakikilala ko.

"Masyado ng madaming nagliligpit."
"Magkakagulo lang pag nakitulong pa ako sa inyo."
"Intayin ko na lang kayo sa van."

Kalmadong paliwanag ko na lang. Pinagaaralan ko ng ikalma ang sarili ko pag kausap sya.  Bigla na lang na naging desisyon yun ng sarili ko. Kita ko naman na napatingin si Jurix sa iba na abala sa pagliligpit. Sa tingin ko ay nakuha nya ang pinupunto ko.

Nagsimula na akong maglakad patungo sa pintuan palabas ng rooftop. Habang naglalakad ay inilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng suot kong pants.

Nang makarating ako sa palapag kung saan ang classroom ni Jurix ay makikita, muling nagflashback sa utak ko ang boses at pakikitungo nya sa akin nung nasa library pa kami. Nung mapagkamalan nya akong ibang tao.

"Hi. Buti at may kasama pala ako dito sa library."
"Pwede ba akong tumabi sayo?"

Pagbabalik ko sa sinabi nya sa akin. Ang sweet ng tono ng boses nya. Ang sarap sa tenga. Ibang-iba pag kinakausap nya ako. Kung ganun lang ang pakikitungo nya sa akin baka nung una pa lang ay magkasundo na kami.

Habang malalim ang iniisip ko di ko napansin na nakaabot na pala ako sa mismong classroom ni Jurix. Nakita ko pa ang gamit nya doon ng silipin ko ang loob noon.

Tsk. May pagkapabaya din pala ang babaeng yun.

Pumasok ako doon para kunin na ang mga gamit nya at baka may ibang taong kumuha pa nito. Habulin pa man din ng magnanakaw si Jurix. Kaya nga sya napadpad sa amin.

Bitbit-bitbit ang gamit ni Jurix, tinungo ko na  ang parking lot kung saan nakapark ang van.

Kung tutuusin ay dapat may taping kami ngayon para sa gagawin naming maikling palabas para sa Army's. Nakiusap lang kami sa manager namin at sa bighit na ipagpaliban ito ngayon dahil nga sa gagawin naming surpresa para sa madaldal at madamdamin naming PA. Good thing na naging maganda naman ang kinalabasan. Kahapon lang namin pinlano ang lahat matapos makaalis ni Jurix sa bahay. Kahapon din namin tinawagan ang university para nga sa gagawin namin. Buti na lang at pumayag sila. Ang university na din ang nagparating sa lahat ng estudyante na walang klase. Pero sa tingin ko di yun nakaabot sa lahat dahil may ilang estudyante pa ding pumasok. Wala na kaming nagawa sa bagay na yun kaya naging maingat na lang kami sa paglalakad sa university. Buti at naging smooth ang flow ng lahat.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Where stories live. Discover now