Call: 15

1.3K 52 19
                                    


The Boys are here..... That's why I'm inspired...  hahaha. Enjoy this one.☺❤

---

Dahan-dahan kong binuksan ang gate at dahan-dahan ko din itong isinara. Sabado ngayon kaya andito na naman muli ako sa bahay ng aking inaalagaan.

Habang papalapit ako ng papalapit sa bahay ay pinagmamasdan ko na din ito. Napakaganda ng bahay ng bangtan boys — simple pero rock. Kulay puti na may lining na black ang pinta ng bahay. May maliit na garden din sila na ako naman lagi ang nagpapanatili ng kagandahan — all around talaga ako. Superwoman Jurix. Super Jurix.

Mahilig sa aso ang bangtan pero dahil hindi nga ako mahilig sa aso kaya grabe ang pagtutol ko sa kanila sa pagbili ng isa. Di rin nila mabibigyan ng pansin yun dahil sa dami ng ginagawa nila. Ako na naman ang mahihirapan. No way.

Sa pagpasok ko sa pinto ay narindi ako sa katahimikan ng buong bahay.

Asan na sila? Tulog na naman hanggang ngayon?

Wika ko habang sinisipat ang buong paligid; dahan-dahan ko ding inihahakbang ang aking paa patungo sa may sala.

Sa pagdating ko sa sala ay naupo ako agad sa sofa pero di pa tuluyang lumalapat ang pwet ko sa malambot na sofa ay napatayo na ako agad.

"Jin."

Tawag ko sa pangalan ng lalaking nakatayo at nakatingin sa akin ng diretso. Nakasuot sya ng pink na apron tapos ay may hawak pa syang sandok.

"Ang aga mo."

Mababang wika nya sa akin. Ibang-iba ang dating noon sa akin. Iba ang naging reaksyon ng puso ko.

"Di ka na ba nasanay sa pagdating ko."

Iniwas ko ang tingin ko matapos sabihin yun.

"Ako na ang magtuloy nyang ginagawa mo."

Ayaw ko mang lapitan sya pero kailangan dahil para kunin ang sandok at apron na nasa kanya. Inilahad ko ang kanang kamay ko sa harapan nya; tiningnan nya naman ito.

"Masarap na ang niluluto ko."
"Ayaw kong masira dahil sayo."

Batong wika ni Jin sa akin na ikinakunot ng noo ko. Nagsisimula na naman ba sya?

Inalis ko ang kanang kamay ko sa harapan nya at nakakuyom na dinala ko yun sa gilid ko. Nagsisimula na naman akong mainis sa kanya.

"Nangaas----"

"Maupo ka na lang dyan at hayaan mo na akong magluto."

Nawala ang kunot ng noo ko dahil sa pagsingit nyang yun sa sinasabi ko. Muling bumalik ang mababang tono nya na punong-puno ng pagaalaga. 

Naglakad sya pabalik sa kusina para ituloy ang naudlot nyang pagluluto; habang ako naman ay nakatulala lang habang nakasunod ang tingin ko sa kanya. Baliw ka na Jin. Di kita maintindihan; maging ang sarili ko ay di ko na maintindihan.

Naupo na ako ng tuluyan sa sofa, hindi ko na sya binagabag pa. Aba, maganda rin yun para pahinga lang ako. Di ako mapapagod sa pagluluto at di rin ako mangangamoy ulam.

Habang namamahinga ako sa sofa ay napagdesisyunan kong magbasa muna ng libro. Kinuha ko mula sa bag ko ang isang libro  na nabili  ko. May bagong bukas ng bookstore malapit sa amin at di ko inaasahan na isa pala yung filipino bookstore. Dahil sa matinding pagkamangha napapasok tuloy ako ng di oras. Di ako mahilig magbasa pero naagaw ng atensyon ko ang isang libro.

My dream gay.

Binili ko yun sa madaling sabi.

Sa unang pahina pa lang ay natuwa na ako sa nababasa ko kaya itinuloy ko na.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Место, где живут истории. Откройте их для себя