2Call: 27

39 4 0
                                    



Inabot kami ng hapon sa paggagawa ng kimchi, si JK, V, Jimin at Jin ang tumulong sa akin sa pagsasalin ng kimchi sa mga lagayan.

"Jurix, ibigay mo 'to sa papa mo."

Inabot sa akin ni Jin ang dalawang container. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mukha nya at sa lalagyan.

"Hindi ba parang ang dami naman ata nyan." Nahihiyang untag ko. Napahinto ang iba sa kanilang ginagawa.

"Hindi yan Noona. Tama lang yan." Sabat ni Jk na sinangayunan pa ng dalawa, si V at jimin.

"Ano ba kayo meron pa naman sa bahay..... ang dami nyan masyado." Inurong ko ang isang container at tinanggap ang isa. "Ayos na ang isang ito. Madami kayo dito kaya dapat madami ang stock nyo."

Hinampas ko ang ibabaw ng container to prove my point.

"Jurix noona..... hindi naman kami lagi andito sa bahay kaya di rin namin makakain itong lahat."

Tinuro ni V ang lahat ng container na may laman ng kimchi kahit yung pinangsasandok ay tinaas din nya.

"Ayos lang yan. Hindi naman yan nasisira." Saad ko habang abala pa rin sa pagsasalin.

"Nga pala Jurix noona..."

Nahinto muli ako.

"Kamusta na yung cute na babae sa shop nyo, yung binigyan ko ng sulat? Ano nga uling—"

"Su-sulat?! Anong sulat V?!"

Dumagundong ang boses ni Jin sa tanong na yun. Napatayo pa sya.

Nakita ko ang paglaki ng mga mata ng mga katabi nya at kahit yung paghinto sa ginagawa.

"Uh.... Oh.. Sulat Hyung.."

Nalilito man sa pinakita ni Jin sumagot pa din si V. Kunot noong tiningnan ako ni Jin.

"Pabor yun ni Jurix noona..." Tinuro ako ni V. Nagawa ko pang iiwas ang sarili sa turo ni V pero andun na yung masamang tingin ni Jin sa akin kahit yung naguguluhang tingin ni JK at Jimin.

"Noona.... anong meron?"

Tumayo si JK sa upuan nya at lumapit sa akin habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

"Jurix.."

Tawag ni Jin sa seryosong tono, nawala na yung mababa at mabait na boses nya kanina nung inaalok ang kimchi.

"Ahh.... Wa-wala lang yun! Oo! Tama! Wala lang yun!"

Tumayo ako at agad ng naghugas ng kamay. Packing tape naman oh! Ang daldal ni Bwei! Haist!!

"Akyat na kayo, ako na bahala dito. Sige na. Sige na!"

Nilapitan ko sila at bahagyang tinulak paalis doon. Nalilito man ay sumunod naman sila sa akin. Napabuntong hininga ako ng mawala sila.

That was close!! Kailangan kong makausap si V!

Bakit ko nga ba ginawa yun?

Habang nagaayos sa kusina yun lang tumakbo sa utak ko. I know Swettie don't have a chance, that's way impossible kaya bakit ko nagawa yun? Lalo kong masasaktan si Swettie dahil dun sa ginawa ko.

Mukha atang isa din ito sa dapat kong ayusin bukod kay Monster.

"Pa, kamusta kayo?"

Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makatawag. Inabot na ako ng gabi sa kusina dahil nagtuloy na din akong maghanda ng hapunan, ngayon ay katatapos ko lang magayos ulit sa kusina. Tapos na ang araw ko kaya pumasok na ako sa kwarto ko para na din mas makapagusap kami ng ayos ni papa.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon