2Call: 26

44 3 0
                                    




"SeokJin."

Madiin na tawag ni RM habang nananatili sa may pintuan. First time ko atang madinig na tinawag ni Monster na ganun si Jin. Theres something in his voice.

"Namjoon."

Usal naman ni Jin. Ano bang ginagawa nilang dalawa? Big deal ba eto?

"Jin, salamat sa pagtulong, pwede ka ng matulog." Sinulyapan ko si Monster. "Ikaw din, matulog ka na."

Hinawakan ko sa braso si Jin para igaya sa may pintuan.

"Matulog na tayong lahat, nakakapagod ang maghapon at kailangan natin ng pahinga pare-parehas. Good night boys! Have a good sleep!"

Tinulak ko sila pareho para makaalis sa may pintuan, hindi naman sila umangal sa ginawa ko. Nang nasa labas na sila parehas hinila ko na pasara ang pinto.

"Tulog na tayong lahat."

Bago ko masara ang pinto napadapo ang mata ko kay Monster, nakatingin din sya sa akin. Tingin na di ko maarok.

Maaga ako nagising kinabukasan dahil hindi rin ako makatulog ng ayos, ewan ko ba kung namamahay ako o dahil dun sa nangyari.

Nagpasya akong pumunta sa wet market para bumili ng mga ingredients ng naiisip kong magandang gawin habang andito sa puder ng bangtan. Dati ko pa naiisip gawin ito kasama sila pero ngayon ko lang talaga matutupad.

Gabi bago ako matulog tinawagan muli ako ng isang staff ng Big Hit para ipaalam na nabago ang sched ng bangtan, dapat ay may practice sila ngayon pero ang paliwanag ng staff ay kinabukasan na lang para magkaroon ng pahinga ang bangtan dahil bukas ay sunod-sunod na naman ang gagawin nila.

Sakay sa sasakyan napapangiti ako habang sinusulyapan sa rearview mirror ang mga pinamili ko. Kahapon sa pagsilip sa loob ng fridge nila napansin kong ubos na ang stock nila noon kaya pinilit kong iplano ito tutal at wala sila gagawin ngayon.

Sa pagdating sa bahay akala ko aabutan ko na silang gising pero nagkamali ako, wala pa ding tao sa sala kahit sa dining at kitchen. Bukas ang ilaw sa hallway patungo sa living dahil iniwan ko talagang bukas yun.

Ipinatong ko sa countertop ang ilang pinamili, hindi ko nadala lahat dahil sa tabi. Matapos malapag ang lahat bumalik ako sa sasakyan para kunin ang huli at importanteng lahok ng gagawin namin. Ilan ang binili ko para magtagal-tagal naman ang stock nila noon.

May kabigatan yun kaya nahirapan akong dalhin yun papasok ng bahay. Sampong piraso ang binili ko noon at talagang malalaki kada isa noon kumpara sa nabibili sa pilipinas. Dito sa korea mamamangha ka sa laki ng mga gulay na binibenta lahit prutas, iba kasi talaga ang size noon kumapara sa normal; may kamahalan din naman ang bilihin.

Palapit na ako sa sala ng matanawan ang mga boys na pababa ng hagdan, humihikab pa ang iba at nagiinat.

Wala pa akong handang almusal.

"Noona!"

Nagising ang antok pang si JK ng mamataan ako. Tumakbo sya palapit sa akin. Agad din namang naglingunan ang iba sa akin. Nahiya tuloy ako sa itsura ko, halos manguba ako sa pagbuhat ng naglalakihang petchay.

"Ano yang dala mo Noona, bakit di mo kami tinawag para matulungan ka?"

Inagaw nya ang ilan sa akin at sya na ang nagbuhat. Lumapit din sa akin si  V at Jin para makuha ang naiwan sa kamay ko.

"Maggagawa ka ng kimchi."

Anang Jin ng tingnan pati ang nasa may countertop na sulyap kung nasan kami.

"Noona, maggagawa ka ng kimchi?"

Hindi makapaniwalang saad ni JK ng mailapag ang petchay sa counter. Napangiti naman ako habang lumalapit sa pinamili ko; yung iba ay sinusuri din ang pinamili ko.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon