2Call: 25

42 4 0
                                    


Inabot ng gabi ang kwentuhan, biruan, tawanan at kainan, sinama ko na din ang pagtatanong kung ano ang mga schedule nila para maayos ko din ang akin.

"Ako na magaayos ng lahat ng ito, alam kong pagod na kayong lahat at medyo lasing din. "

Presinta ko ng matapos na kami, di biro ang kalat pero kaya ko naman. Nagsoju din kami kaya alam kong ang iba ay antok na dahil sa tama ng alak.

"Noona, tulungan na kita dyan." Alok ni JK kahit na papikit-pikit sya. Napangiti ako sa kanya. Hindi naman ganun sya kalasing, konti lang nainom nya. Yung iba ay agad namang tumalima sa sinabi ko, nagakyatan na sa taas.

Ihinarang ko ang katawan ko sa lamesa para di nya maabot ang kahit anoman doon.

"Ako na dongsaeng. Kaya ko na ito. Umakyat ka na at magpahinga."

Kunot ang noo pero namumungay ang mata ng tingnan ako ni JK. Nakanguso pa!

"Sabi ng wag mo akong tawaging dongsaeng, noona!"

Napahalakhak ako sa inasta nya. Para syang bata na nagtatantrums. Ang cute! Sa sobrang tuwa ko pinisil ko pa ang pisngi nya.

"Noona!" Iniwas nya ang pisnging pinisil ko.

"Ano?" Malokong tanong ko.  Tumalikod ako sa kanya para sikupin na ang mga bowl at iba pang utensil na huhugasan.

Napatuwid ako ng tayo ng yakapin nya ako habang nakatalikod sa kanya. Ramdam ko pa ang mukha nyang nakalapat sa likod ko. Napasilip ako sa kamay nyang nasa tiyan ko.

Hay. Lasing talaga sya. Di na nga talaga sya bata.

"Namiss kita Noona. Sobra." Mas humigpit ang yakap nya.

Napabungisngis ako. "Ayaw mong tawagin kitang dongsaeng pero noona tawag mo sa akin?" Kinalas ko ang kamay nya at hinarap ko sya. "Mas matanda ako sayo kaya tama lang na dongsaeng ang itawag ko sayo. Di ba mahalaga ang respeto dito sa korea?" Tukso ko sa kanya. Tumalikod ulit ako sa kanya para kunin at huhugasan ko. Naglakad na ako papuntang sink.

"Umak—"

"JK."

Napatingin kami sa dumating. Seryoso ang tingin nya. Napabuntong hininga naman si JK.

"Good night Noona. Akyat na ako." Ngumiti lang sya at naglakad palampas kay RM. "Good night hyung!"

Napabuntong hininga muna ako bago tinuloy ang ginagawa. Kailangan kong magmadali dahil kailangan ko ding magwalis dahil sa mga confetti na nakakalat sa sahig.

Nang matapos ako sa paglalagay ng bowl sa sink nagbalik ako sa lamesa para kunin pa ang iba kaso napahinto ako sa paghakbang ng makita na nakatayo pa din si Monster sa pwesto nya.

"Kailangan mo ba ng tulong?"

Mapungay ang mata nya pero tingin ko ay nasa wisyo pa sya, nakakatayo pa ng tuwid e.

"Hindi. Kaya ko na. Salamat."

Iniwas ko ang tingin sa kanya at nagtuloy na lang sa ginagawa. Dahil sa paggagambala mukhang aabutin ako ng hating gabi sa paglilinis!

Mula sa peripheral vision ko naglakad sya palapit sa akin. Gusto ko sanang tingnan sya pero yung utak ko nagsasabing ipagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Tinipon ko ang mga chopstick.

"Tulungan na kita."

Inagaw nya ang chopsticks sa kamay ko na syang kinaangat ng tingin ko sa kanya. Nagkamali ako. Lasing din ang isang 'to.

Amoy na amoy ko mula sa kanya ang soju ng lumapit sya. Ang init ng kamay nya, damang-dama ko yun mula sa likod ng kamay ko. Hindi ko nagawang alisin ang kamay ko ng hawakan nya ang chopsticks.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Where stories live. Discover now