Call: 12

886 49 41
                                    


Araw ng sabado ngayon at katulad ng lagi kong ginagawa, andito ako sa bahay bangtan.

Ganito ang napagkasunduan namin. Tuwing araw ng sabado at linggo ay sa bahay ng Bangtan ako titira. Pumayag din naman si papa sa kasunduang iyon. Alam din kasi ni papa na buhay ko na din ang pagaalaga sa Bangtan.

Sa pagpasok ko sa loob ng bahay ay nagdiretso agad ako sa kusina para handaan sila ng almusal nila. Bago din naman ako nagdiretso dito ay dumaan muna ako sa supermarket para bilhin ang mga kakailanganin ko sa pagluluto.

Ipinatong ko sa countertop ang mga pinamili ko at pagkatapos ay nagtungo ako sa ref para kumuha ng tubig. Nakakapagod masyado pag mag-isa ka lang namimili. Hindi lang din naman yung pinamili ko ang dala kundi ang ilang gamit ko pa.

Sa paginom ko ng tubig, ninamnam ko ito habang tumadaloy sa lalamunan ko. Nakakagaan ng kalooban ang paginom ng tubig lalo na pag ito ay malamig.

Grabe. Ang sarap.

"Sino yan?"

Naisara ko ang pinto ng refrigirator dahil sa gulat. Sa pagtingin ko sa gilid ay nakita ko si Jin na seryosong nakatingin sa akin.

"Ikaw pala."
"Ang aga mo ata?"

Bored na tanong ni Jin sa akin. Lumapit sya sa akin habang nakapamulsa. Hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Ano bang bago sa akin? Makapagsalita ang lalaking ito. Tsk.

Binuksan nya ang ref at kumuha sya ng isa ding bote ng tubig doon. Napatitig naman ako sa kanya habang umiinom. Di naman maiwasan yun dahil katabi ko lang sa may ref. Katapat namin ang refrigirator.

Simula nung gabing dinalhan nya ako ng pagkain sa bahay ay di na mawala ang ilang ko sa kanya. Parang nalulunok ko ang dila ko pag kaharap sya. Nawala na yung dating pagbubunganga ko sa kanya.

"Jurix."

Nagbalik ako sa wisyo dahil sa tawag nyang yun. Nagsalubong tuloy ang mga mata namin habang ilang agwat lang ang layo namin sa isa't-isa.

"Ang sabi ko, bakit ang aga mo?"
"Ano? Napipi ka na?"

Bwisit ka? Oo!! Napipi na ako dahil sayo? Kasalanan mo!!

"Wala ka ng pakialam dun."
"Alis nga."

Iniwas ko ang mata ko at kasabay noon ay tinulak ko sya ng marahan para mapalayo sya ng konti sa akin. Pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga dahil sa kanya. Parang hinihigop nya ang hangin sa paligid ko kaya wala akong malanghap na hangin.

Pinili ko na lang lapitan ang pinamili ko para doon mabaling ang atensyon ko.

"Ako na dyan."
"Maupo ka na lang."

Inalis ni Jin ang kamay ko na nakahawak sa plastik bag. Kinuha nya ang lahat ng pinamili ko tapos ay dinala nya sa kabilang parte ng countertop.

"Ano bang ginagawa mo dyan?"
"Trabaho ko yan kaya maupo ka na lang at manuod."

Nilapitan ko sya at gaya ng ginawa nya sa akin kanina ay ganun din ang ginawa ko sa kanya. Inalis ko ang kamay nya sa mga pinamili ko.

Sa paghawak ko sa bag ay bigla naman nyang hinawakan ang kamay ko. Para akong naground ng hawakan nya ako. Napigil ko ang paghinga ko dahil doon. Ano bang ginagawa ng lalaking ito?

"Ano?"
"Papanuorin ko kung pano mo lagyan ng sangkatutak na asin ang niluluto mo?"

Kung hindi lang kakaiba ang nararandaman ko sa kanya ngayon baka nasapak ko na sya dahil sa inis ko. Naku ka talaga Jin!!

Magkasalubong ang kilay na tiningnan ko sya sa mata. At sa pagtingin ko sa mga mata nya, wala akong mabasa na kahit ano man.

"Ano bang ginagawa mo sa akin?"

One Call Away [BTS]  [HOLD]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن