Call: 8

1.1K 63 15
                                    

Sa paglipas na ilan pang mga araw ay naging mas magaan ang trabaho ko. Natututo na din kasi silang magkusang bumangon sa umaga. Di ko na tuloy nagagamit ang megaphone.

Mabilis ngang lumipas ang araw at ngayon ay huling araw ko na ulit sa bahay ng Bangtan Boys. Nakauwi na kasi si papa sa bahay at tyaka balik eskwela na ulit ako dahil tapos na ang bakasyon namin.

"Wah!! Mukhang masarap ngayon ang niluto mo ah."

Malakas na bungad ni Jhope ng makarating sila sa hapag. Kasing lakas ng megaphone ko ang bibig nya. Nasa likod nya ang iba. Lahat sila ay sa pagkain nakatingin at hindi sa akin.

Binigay ko ng lahat sa pagluluto nyan. Hinugot ko na ang mahuhugot sa kaibuturan ko kaya dapat masarap ang mga yan.

"Kain na kayo."
"Huling araw ko na ulit dito kaya pinaglaanan ko ng extrang effort ang niluto ko."
"Sana pumasa kahit papano."

Sabay-sabay silang nagangat ng tingin sa akin ng sabihin ko yun. Di ko mabasa kung anong iniisip nila. Parang mga lutang ang mga ito.

"Masarap sa tingin, masarap din ba ang lasa?"
"Tingnan natin."

Nakangiti na parang nangaasar si Jin. Di nya yun inalis hanggang sa makaupo sya sa upuan nya. Naupo na din ang iba. Nilagay ko naman ng palihim ang kamay ko sa likod at nagcrossfinger ako. Please. Please. Awa na. Masarap ka sana. Masarap ka dapat.

Habang sabay-sabay silang kumukuha ng ulam ay pabilis naman ng pabilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay nasa isang cooking show ako.  Matatangal pag di pumasa sa kanila ang lasa ng niluto ko.

Eto na. Wika ko sa isip ko habang palapit na ng palapit ang chopstick sa kanilang bibig. Naikuyom ko ang kamay ko ng tuluyan na nilang isubo ang pangulam. Napasinghap ako ng biglang tingnan ako ni Jhope habang nginunguya nya ang ulam sa bibig nya. Walang reaksyon ang mukha nya. Blanko. Di ko tuloy alam kung nagustuhan nya ang lasa ng ginawa ko.

"Pwede na."

Nailipat ko agad kay Jin ang paningin ko dahil sya ang nagsalita. Inaasahan ko na yan mula sayo. Tsk! Kailan ba sumarap ang luto ko sayo?

"Ituloy nyo na ang pagkain."
"Magimpake lang ako ng gamit ko sa kwarto."

Kalmadong wika ko habang nakayuko. Siguro nga'y di ko maaabot ang panlasa ng bangtan boys. Masyadong mataas di ko na kayang abutin.

Naglakad na ako patungo sa kwarto ko.

"Eonnie."

Nahinto ako sa paglalakad dahil sa tawag ni JK. Nasa sala na ako nung tinawag nya ako. Katapat ko ang center table.

"Masarap sya Eonnie."

Dagdag na wika nya. Naiyuko ko na lang ang ulo ko. Di na ako nangahas na harapin sila sa lamesa. Alam kong sinabi nya lang yun para gumaan ang pakiramdam ko.

"Okay lang."

Sambit ko na lang bago ako magpatuloy sa paglalakad muli patungo sa kwarto ko. Di ko na naman nadinig na magsalita sila. Tunog lang ng chopstick na tumatama sa mangkok ang nadidinig ko.

Hay... Wala na ba talagang pag-asa ang mga luto ko? Oh talagang OA lang sa taas ang standards ng bangtan boys pagdating sa pagkain?

Pagpasok ko sa kwarto ko ay naupo muna ako sa kama. Napabuntong hininga din ako na parang pagod na pagod.

Matapos ang ilang minutong pagpapahinga ay kinuha ko na ang  travel bag sa loob ng kabinet. Nilagyan ko yun ng ilang damit. Napagpasyahan ko din na magiwan ng ilang damit para pag bumalik ako ay may maiisuot ako.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Where stories live. Discover now