2Call: 22

46 4 0
                                    


Swettie's Point

"LaLaLaLaLaLa. My V. My handsome V. My Loving V. I love you. LaLaLaLaLaLa."

Hindi ko mapigilan ang saya kaya napakanta na lang ako. Ang ganda-ganda ng umaga! The best morning ever!

Nagpupunas ako ng mga lamesa ng di inaalis ang ngiti sa labi. Binigyan ako ng sulat ni V! Oh my geeeee!! Di ko inaasahan yun! Gosh! Gosh! Gosh! Naghahyperventilate na naman ako! WAAAAHHHHH!!

"SWETTIE REYES."

Napatuwid ako ng tayo ng madinig ang maotoridad na boses ni ate Jurix. Pasimple kong pinaypayan ang pisngi ko nagbabaka sakaling mabubura noon ang pamumula ng pisngi ko. Relax Swettie. Inhale. Exhale.

Nilingon ko sya ng pusturang-pustura. "Yes ate?"

Napalunok ako ng di maipinta ang mukha nya. Alam ko ang ganitong awra. Paktay ka swettie magiging saltie ka na.

Pinilit kong ngumiti ng matamis.

"Ano yun ate?"

Tumunog ang windchime hudyat na may kostomer. Sabay naming nilingon ni ate yung pumasok.

"Good morning Sir." Bati ni ate na ngiting-ngiti na para bang panaginip lang yung nakita kong istura nya kanina.

"Assist the costumer Swettie. Stop your daydream." Seryosong-seryoso na utos sa akin. Hindi ko man nakikita mukha nya damang-dama ko naman ang tono ng boses nya. "Yes ate."

Sinunod ko na lang ang utos ni ate at sa araw na yun gusto ko mang isipin si V ay si ko magawa pinilit ko na lang munang isantabi. Laging sinasabi ni ate sa akin na trabaho ay trabaho dapat maging seryoso pag oras ng trabaho at.... nauunawaan ko yun.

Hindi ganung kaunti ni kadami ang naging kostomer namin, sakto lang.

"Hello."

Abala ako sa pagaayos ng upuan ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ni ate Jurix at iluwa sya— may kausap sa telepono.

"Bakit ka napatawag? May problema ba?"

Napansin ko ang salubong na kilay ni ate. Akala ko lalabas sya ng cafe dahil nagdiretso sya ng lakad papunta sa pinto pero huminto na sya sa tapat noon, nakatingin sa labas.

Binalik ko na lang ang atensyon ko sa ginagawa kaso hindi yun nagtagal dahil napaangat na naman ako ng tingin dahil sa bulalas nya.

"Ano?! Sige. Pupunta ako dyan."

Mabilis na pinutol ni ate ang tawag at nagmamadaling nagtungo sa counter.

Napatulala ako. Anong problema?

"Edna, pahanda ako ng ilang cookies at bread palagay sa isang supot. Salamat..."

Sinusundan ko lang ng tingin si ate dahil sa bilis ng kilos nya. Bago pa sya makapasok sa opisina ay nasa tapat na ulit ng tenga nga ang kanyang cellphone.

"Hello Pa... Mauna na kayo umuwi ni Swettie kailangan kong puntahan ang bangtan. May emergency Pa."

Nang makapasok si ate sa loob ay agad-agad akong lumapit sa counter para chikahin si Edna. "Anong nangyari?"

Kahit nagtanong ako di ko maalis ang mata ko sa pinto ng opisina ni ate Jurix. Nagiisip na baka bigla na lang bumukas ang pinto at mapansin ang pagiging chismosa ko.

"Porket nadinig mo ang bangtan naging curious ka na. Tigilan mo ako Swettie."

Ayaw ko mang alisin ang tingin ko sa pinto wala naman akong magawa dahil sa banat na yun ni ate Edna. Pero bago ko pa sya matitigan ay nawala na sya sa harapan ko nakita ko na lang ang paggalaw na pinto patungo sa kitchen.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Where stories live. Discover now