Call: 3

1.9K 88 14
                                    


"Jurix?"
"Nak. Gising ka na ba?"

Naimulat ko ng dahan-dahan ang mata ko dahil sa pagkatok ni tatay sa pinto.  Ewan ko ba pero parang ang bigat ng pakiramdam ko. Ang sakit pa ng ulo ko. Parang may malaking bato na nakapatong dito.

Hinawi ko ang comforter na nakayakap sa akin at saka ako dahan-dahang umupo sa kama. Napahawak pa ako sa ulo ko dahil nakaramdam akong konting hilo.

"Opo tay."
"Gising na po ako."
"Baba na din po ako."

Sagot ko ng muling kumatok si tatay sa pinto. Naipikit ko ng madiin ang mata ko dahil muli ay nahilo na naman ako.

Hayy. Sa dami ng ginagawa sa skul kaya sumasama  ang pakiramdam ko . Ano ba yan?

Isinandal ko muna ang ulo ko sa headboard ng kama ko para maipahinga ko ang utak ko.

Sunod-sunod na araw ang paperworks na binibigay sa amin, plus yung pagbisita ko pa sa mga alaga ko. Pagkatapos ng klase ay binibisita ko sila. Palagi naman kasing nagtetext si JK sa akin kaya di ko na din matanggihan ang request nya.

Bawat araw ay punong-puno ako ng schedule. Tunay ngang pinangatawanan ko na ang pagiging isang superwoman. Pero sa tingin ko nanghihina din ang isang superwoman, katulad ko ngayon.

Tumayo ako mula sa kama at agad na nagdiretso sa banyo. Masama man ang pakiramdam ko, kailangan ko pa ding kumilos. Sa tingin ko ay mas sasama ang pakiramdam ko pag humilata lang ako sa kama at matulog maghapon.

"Good morning tay."

Bati ko ng makalapit na ako sa hapag kainan. Naibaba naman ni tatay ang dyaryo na hawak nya. Binigyan nya ako ng ngiti.

"Good mor---"
"Nak, okay ka lang ba?"

Rumehistro sa mukha ni tatay ang pagaalala. Sinuri ng mga mata nya ang buong mukha ko. Tumayo sya at nilapitan ako.

"Jurix."
"Ang putla mo."

Sasapuhin sana ni tatay ang pisngi ko pero agad ko itong iniiwas sa kanya kaya di nya nahawakan ito. Umatras din ako para dumistansya kay tatay.

"Okay lang ako tay."
"Wala lang akong make up kaya ganyan."

Saad ko na lang. Di ko na pinansin si tatay, nagdiretso na ako sa upuan ko para makakain na. Tatanghaliin din ako sa klase pag di pa ako kumilos.

"Kain na tayo tay."
"Lalamig ang pagkain sige kayo."

Binigyan ko ng matamis na ngiti si tatay ng tingnan ko sya sa tapat ko. Magkaharapan kaming dalawa. Nasa kabilang side sya ng lamesa nakaupo.

Di na naman nagtanong pa si tatay. Pareho na kaming kumain ng almusal.

---

"Salamat tay sa paghatid."
"Magingat po kayo sa pagmamaneho."

Wika ko ng makarating na kami sa tapat ng university. Binigyan naman ako ng ngiti ni tatay. Sumilip pa sya sa labas pagkatapos.

"Ikaw din nak."
"Magtext ka lang sa akin pagpauwi ka na para---"

"Tay. Napagusapan na natin ito."
"Wag nyo na akong sunduin."
"Kaya ko po ang sarili ko."
"Wag na po kayong magalala."

Kahit kelan talaga napakamaalalahanin ni tatay. Ito din siguro ang nagustuhan ni nanay sa kanya. Napapaisip tuloy ako minsan kung bakit nangyaring nagkalayo sila at nagkaroon ng ibang pamilya si tatay na ngayon ay nawala na din naman.

"Sige tay."
"Pasok na po ako."
"Nasa menopausal stage na ang prof namin sa unang klase kaya napakasungit at di man lang marunong ngumiti."
"Ayaw kong mapaginitan."

One Call Away [BTS]  [HOLD]Where stories live. Discover now