Call: 18

122 6 5
                                    




Panibagong araw ng pagiging estudyante. Ngayon ay nasasanay na din ako sa ganitong set up pero hindi maaalis sa katawan ko ang pagod. Palagi na naman ata yan sa buhay ko. Sa weekdays papasok ako ng skul tapos bibisita ng kaunti sa mga boys tapos uuwi ng bahay. Di katulad pag weekend na buong araw talaga ako sa mga lalaking yun. Kailangan kong ipatas ng ayos ang mga gagawin ko dahil magkakagulo pag di ko napatas ng matino.

"Good morning!"

Masiglang bati ni Toby ng salubungin ako sa gate ng skul. Ganyan yan tuwing umaga at hindi ko alam kung ano ba talaga ang ipinahihiwatig nya sa mga ganung kilos. May nahihinuha ako pero hindi ako babagsak sa ideyang yun hanggang sya mismo ang magsiwalat nito sa mukha ko. Maliit lang ako pero hindi ako assumera tulad ng iba. Pero sana mali ako. Di pwede.

"Morning. Why are you here?"

Tinagilid ko ang ulo ko. Napaiwas naman sya ng tingin. At dahil sa sinag ng araw tumingkad ang pula sa pisngi nya.

"Uh... Nothing. J-Just taking some walk."

Di ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko. Ngayon ay ginawa naman nyang excuse ang salitang "walk" samantalang nung isang araw ang ginamit nyang rason ay ,"waiting for someone" na hindi naman nagpakita. Nung isang araw naman ay nagkataon na nagpangabot daw kami. Ewan ko kung totoo ang mga sinasabi nya. Hindi ko alam.

"Oh.. Ok. I'll go ahead. Enjoy your walk."

Nagpakita ako ng ngiti bago nagpasyang iwan sya dun. Siguro kailangan kong idistansya ang sarili ko sa kanya.

Tahimik akong naglakad patungo sa gusali kung saan ang department namin ng may naramdaman akong sumusunod sa akin. Huminto ako.

"Hey."

Untag ni Toby ng tumabi sa akin. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon. Pinigilan ko ng bongga ang sarili ko.

"Oh?"

Malikot ang mata nya at di sya makatingin sa akin ng diretso.  Tumindig ang balahibo ko nung hawakan nya ako sa braso ko, hindi mahigpit bagkus ay puno ng pagiingat na hawak.

"Can we talk?"

Nailibot ko ang paningin ko ng feeling ko buong campus ang nakadinig ng sinabi nya. What is he up to?

"Mmm.. Ok. Go on. Talk."

Kinamot nya ang ulo nya habang dinadala ang paningin nya sa sahig. Pasimple akong umatras para mabitawan nya ang braso. Iba na pakiramdam ko sa hawak nya. Ewan. Basta. Ayaw ko may humahawak sa akin ng ganun maliban sa papa ko — ibang usapan pag ganun.

"Can we talk somewhere?"

"Huh?"

Agad kong bulalas ng di ko maintindihan ang sinasabi nya. Ngayon ay parang nagkakapanic attact sya dahil di na sya mapakale sa kinatatayuan.

"Not here Jurix. Let's go."

Hinablot nya ang braso ko at hinigit na sa tingin ko ay patungo sa likod ng building namin. Ang bilis na lakad nya na parang may humahabol sa amin. Wala na tuloy akong magawa kundi ang sumunod.

"Hey. Relax. What is the problem."

Pagpapakalma ko sa kanya. Ngayon lang ako nakaencounter ng ganto.  Actually I'm not use to handle boys kaya sa bangtan palang hirap na ako tapos ngayon dumagdag pa to. Magpalit na lang kaya ako ng kakaibiganin? Hassle kumaibigan ng lalaki dami problema.

Ilang minuto lang ay narating na namin ang likod na kung saan ay may iilang benches na nakalagay. Ang iba ay nagpapahinga dun pag break time at malimit din ang mga magjowa dun.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant