Call : 17

372 16 16
                                    

"Pa, alis na po ako."

Mula sa paghigop ng kape ay napalingon si papa sa akin. Iginilid din nya ang dyaryo na binabasa nya. 

"Hindi ka ba muna magaalmusal?"

Tanong nya habang naglalakad palapit sa pwesto ko.

"Hindi na po pa. Dadaan din po kasi ako sa church kaya doon na lang po ako sa bahay kakain."

Niyakap at binigyan ko ng halik sa pisngi si papa. "Sige po. Alis na po ako."

Linggo ngayon kaya napagpasyahan kong dumalaw muna sa simbahan. Kahapon kasi habang ako ay naglalakad may napansin akong isang maliit na simbahan kaya naisip ko ngayon na pumunta dun tutal at linggo din naman— tamang-tama lang. Sa dami ba naman ng ginawang kabutihan ng Diyos sa akin, nararapat lang na ibigay ko din ang nararapat  para sa Kanya. At siguro para maipagdasal ko na din ang mga kaluluwa ng mga alaga ko. Ang babait kasi kaya nangangamba ako.

Buti at sa pagpasok ko sa loob ay saktong magsisimula pa lang sila. Agad akong bumati sa bawat isa bilang paggalang. Halos may mga  edad na din ang mga nandun.

"Sabi ng Diyos, ibigin mo ang iyong kaaway gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.

Bigla akong napaisip sa sinabing yun ng nasa unahan. Alam ko na ito dati pero nagiba ang dating nito sa akin ngayon ng madinig ko muli.

Madaling sabihin pero napakahirap gawin. Paano mo mamahalin ang taong ayaw mo at ayaw din sayo? Pano mo bibigyan ng kabutihan ang taong ang binibigay lang sayo ay kasamaan? Mahirap!

Isang oras at kalahati lang ang tinakbo noon kaya naging maaga pa din ang pagdating ko sa bahay. Pero kahit nakarating na ako sa bahay hindi pa din ako nilulubayan ng nadinig ko sa simbahan, patuloy pa din itong tumatakbo sa isipan ko.

Anong pagpapala ang tatanggapin mo kung ang mamahalin mo lang ay ang mga taong nagmamahal sayo?

Isa pa yan sa sinabi kanina sa simbahan kaya lalo akong di mapakale.

"Magandang umaga noona!!"

Napaangat ako ng tingin dahil sa masiglang bati na yun ni JK. Nasa lamesa na sya at kumakain ng umagahan kasama ang iba. Sa sobrang pagiisip di ko namalayan na nakapasok na ako sa loob at nasa tapat na ng dining area.

"Hi. Magandang umaga."

Bati ko sa nahihiyang tono. Nakatingin silang lahat sa akin! Pansin ko pa ang noo ni RM na nakakunot habang titig na titig sa mukha ko..

Ito ang tinutukoy ko e! Ang hirap suklian ng kabutihan ang taong puro kunsomisyon lang ang ibinibigay! At si RM yun! Lord naman e!

Inilayo ko ang tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko ay nagkakasala na agad ako sa Diyos pag tinitingnan ko sya.

"Late ka ata ngayon?"

Hindi pa din naaalis ang kunot sa noo nya kahit tinanong nya ako nun. Unti-unti ng nababawasan ang "patience meter" ko. Wala pa naman sa critical level pero pag nagtuloy-tuloy sya sa ugali nyang yan baka mapabilis ang pagbaba at maging zero sa isang iglap.

Hindi naman ako ganung kalate para pagsabihan. Normally six ng umaga ako dumadating sa bahay at ngayon lang ako dumating ng six thirty . Ibig sabihin thirty minutes lang ako late! Oo nga't late yun sa normal kong pagpunta pero ito ang una at hindi naman isang oras yun!

One Call Away [BTS]  [HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon