Call: 6

1.5K 70 11
                                    


Ilang araw na naglakbay sa aking isipan ang naging panaginip ko. Kada ako ay matutulog ay yun at yun ang napapanaginipan ko. Di ko alam sa aking sarili kung anong totoong nangyayari. Siguro ang alam ko lang ay, maging sa panaginip ay iniistorbo ako ng Bangtan Boys na yan. Di na sila naawa.

Hawak ang megaphone tinungo ko ang hagdan pataas. Hinigpitan ko ang hawak ko dito.

"Gising na!!!!!"
"BOY.... SCOUTS!!!"

Buong lakas na sigaw ko. Nagecho pa sa buong bahay ang sinabi ko. Pakiramdam ko pa ay nagalaw ang buong kabahayan dahil dun. Hala!! Baka magiba ang bahay... Wag naman sana.. Mahirap na baka masesante ako.

Nananatili akong bakasyon at dahil nga doon kaya muli ay dito na naman ako nanirahan sa bahay ng  mga alaga ko.  Wala din naman ako magagawa e. Trabaho ko na din ito kaya kailangan kong gawin. Nakakapagod na uwian ako. At tyaka sayang din sa pamasahe. Wala din naman si tatay sa bahay dahil isinama sya ng mga kaibigan nya sa jeju island.

Sa pagbaba ko ng megaphone ay sabay-sabay na nagbukas ang pinto nila.  Inis na ginulo pa ni RM ang buhok nya. Diretso namang nakatingin si Jin, Suga at Jhope sa akin. Napahikab pa si Jhope. Nakapikit at kinukusot naman nina V at Jimin ang mata nila nung nagawi ang mata ko sa posisyon nila. Napangiti naman ako nung nakita ko si JK na nakangiti habang nakatingin sa akin. Ang sarap nya talagang pagmasdan sa umaga. Naguumapaw sa handsomeness si JK. "Woke up like this" lang ang peg.

"Good morning Eonnie."

Bati pa ni JK sa akin. Ngumiti pa sya ng pagkalawak-lawak.

"Good morning."

Tugon ko sa kanya habang nakangiti din ako ng malawak. Ang lakas nyang makagoodvibes sa umaga.

"Ano namang maganda sa umaga? Aber?
Yan bang boses mo?... Tsk!!"

Inis na sabat ni RM sa akin. Napatingin ako sa kanya at dahil doon nawala sa labi ko ang mga ngiting ibinigay ni JK. Nabeastmode ako agad. Magkasalubong ang kilay ni RM habang nakatingin ng diretso sa akin. Parang tutunawin nya ako sa mga tingin na yun.

"Panira ka ng umaga Jurix."

Saad pa ni RM bago sya naglakad at lagpasan ako. Hinabol ng mata ko ang pagbaba nya. Dama ko ang maitim na aura na nagmumula sa kanya. Kinilabutan ako bigla. 

Dapat na ba akong magimpake.. Para kasing di tatagal ang buhay ko pag nanatili ako dito.

Napalunok ako ng laway dahil sa takot.

Nakababa na at lahat si RM sa hagdan pero nanatili pa din ang paningin ko sa hagdan na binabaan nya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Welcome back."
"Jurix and your megaphone."

Basag ni Jin. Mabilis akong napatingin sa kanya. Nakangiti sya habang nakasandal at nakahalukipkip sa may pinto. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa tinuran nya. Napatawa naman yung iba maliban kay V na patuloy pa din sa paghikab at pagkusot ng mata. Antok pa talaga sya. Nakaramdam tuloy ako ng awa.

"Tara na sa baba."
"Nagiintay si RM."

Basag ni Suga habang naglakad na papunta sa hagdan. Walang imik namang sinundan ito ni Jin at Jhope. Nakaakbay pa si Jhope kay Jin habang naglalakad sila papunta sa hagdan. Ako naman ay tahimik lang na pinagmasdan sila.

"Eonnie tara na sa baba."

Aya ni JK kaya napatingin ako sa kanya. Hinawakan pa nya ang siko ko kaya nadala ko dun ang mata ko. Ang sweet nya talaga. Maswerte talaga magiging girlfriend nya.

"TaeTae."
"Tara na sa baba."

Napaangat ako ng tingin kay Jimin. Hawak ni Jimin ang braso ni V tapos ay hinahatak nya ito palakad. Habang ginagawa ni Jimin yun ay nanatiling nakapikit si V at walang tigil sa paghikab. Tamad na tamad si V sa paglakad.

One Call Away [BTS]  [HOLD]Where stories live. Discover now