01: Guy at the Cafeteria

667K 3K 718
                                    

05-09-2020

Hello! The original story was written when I was 13 so this was previously full of technicalities such as inconsistencies and inaccuracies. This story was poorly written which is why I rewrote it. (Don't worry, it's now good as new!)

For my old readers: There has been some changes (i.e. characters are in college instead of high school) but the concept will remain as is. There are also new characters.

Hoping for your patience and understanding. Thank you and I hope you enjoy reading! <3


BE AWARE: THIS STORY CONTAINS EARLY 2000S HUMOR SO EXPECT CORNY JOKES AHEAD!

- - -

CHAPTER 1: GUY AT THE CAFETERIA


"Okay, next up! Mr. Concepcion and Mr. Villafuerte." Pag-announce ni Miss. 

Tumayo sila Cloud at Phael mula sa pagkakaupo at pumunta sa platform sa harap. We're in our room having a play since our subject today is Introduction to Art 101. Sa class na ito ay kung ano ano ang pinapagawa saamin ng professor namin, pero kadalasan ay pinapa-acting niya kami.

"One of you will act as a boy who has one wish, whilst the other one will act as a fairy who will grant the boy's wish. Both of you will also be wearing costumes." Pumunta si Miss sa desk niya at kinuha ang isang supot na nakapatong doon. Matapos ay binigay niya ito kay Cloud at Phael na parehas ay nakakunot ang noo. Nang buksan 'yon ng dalawa ay sabay na nanlaki ang kanilang mga mata.

"Seryoso Miss? Ito ang susuotin namin?!" Sigaw ni Phael. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka sa reaction niya.

"Yes, Mr. Villafuerte. Is there any problem?" Nakangiting pangasar na sabi ni Miss at bahagyang itinaas ang isang kilay.

"Ah-eh. Wala naman Miss. Sabi ko nga ito ang susuotin namin." Sagot ni Phael at nagkamot nalang ng ulo.

"Good. I want both of you to act as professionally as you can. Now, go and wear those costumes." Utos ni Miss. Parang pinagsakluban naman ng langit at lupa 'yung dalawa habang naglalakad papunta sa changing room. I even heard Cloud mutter something under his breath.

"Ano kaya ang meron sa plastic na binigay ni Miss?" Pagtatanong ni Yian, ang best friend ko, sa tabi ko.

"Aba malay ko. Saakin ba binigay ni Miss yung plastic?" Nakataas kilay kong tanong.

"Nahawa ka na ata talaga sa pagiging pilosopo ng syota mo," wika niya habang pailing-iling.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "For your information Yian, hindi ko pa siya boyfriend. And don't use the term syota, medyo jologs lang ah?"

"Jologs ka dyan? Mukha mo jologs." Sabi niya at napairap. Natawa naman ako ng bahagya kasi nagiging pikunin na si Yian. Nalaman niya kasing hindi straight ang crush niyang si Chad kaya medyo sumasama ang loob nyan kapag nakakakita ng mga couples kaya pati kami ni Cloud ay nadamay na.

"Double time, boys!" Bumalik naman ang tingin ko sa harap nang marinig ko ang sigaw ni Miss. Ang unang pumasok ay si Phael. So far, wala namang masama sa suot niya kaya bakit kanina ang sama ng timpla ng mukha nila?

Sunod namang pumasok si Cloud at hindi ko na napigilan humalagpak sa tawa. Kahit ang iba naming mga kaklase ay napatawa nang makita ang suot ni Cloud.

Napatingin naman si Cloud sa direksyon ko at tinapunan ako ng masamang tingin. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at vinideo-han si Cloud habang humihiyaw. Ganito pala feeling maging stage mother. Tawang tawa ako kasi napakasungit at isnabero ng lalaking 'yan pero ngayon ay nasa harapan namin siyang lahat at nakasuot ng fairy dress.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon