16: Bet

58.9K 685 97
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 16: BET


Nakaupo kaming dalawa ni Yian sa bleachers dito sa field. Nasa may harap kami banda kaya kitang kita namin ang field. Marami ring mga estudyante dito na tulad namin ay manonood ng soccer match. 

"First time ko manonood ng soccer game." Excited na sabi ni Yian. 

Magsasalita na sana ako nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses.

"Girlyyy! Yianyy!" Napalingon kaming dalawa at nakita si Zoey na nakasuot ng soccer jersey kasama si Aria. Ngumiti ng malawak si Zoey. "You guys came!"

"Syempre naman! Ikaw pa, malakas ka kaya saamin!" Natatawang tugon ko.

"Binantaan mo ako na pag 'di ako pumunta ipagkakalat mo 'yung picture ko na nakanganga habang natutulog ako eh!" Sabi naman ni Yian. Natawa naman si Zoey.

"Hi Aria." Pagbati ko kay Aria.

"Hi."

Nginitian naman ni Yian si Aria at sinuklian naman ito ni Aria ng isang tipid na ngiti. Naupo naman silang dalawa sa tabi namin na pinagtaka ko.

"Hindi ba magsisimula na ang laro in five minutes? Bakit nandito pa kayo?" Nagtataka kong tanong

Umiling naman si Zoey. "Mauuna ang laro ng mga boys. Mamaya pa kami."

"Boys?" Kunot-noong tanong ni Yian.

Bigla namang naghiyawan ang mga tao kaya napalingon kaming lahat doon. Pumunta sa field ang mga lalaki na nakasoccer jersey. Nagulat naman ako nang mapansin kong ang iilan doon ay sina Landell, Elijah, Daniel at Topher. Nakangiti sila maliban nalang kay Elijah na seryoso ang itsura. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Yian at napansin ang gulat sa mukha niya.

I have to ask Yian about her relationship with Elijah. Ano nga ba ang meron sakanila? Friends? Enemies?

"Woooh! Go Rugby Team!" Pagcheer ni Zoey. Napalingon naman ako sakanya nang may maalala.

"Zoey, bakit Rugby Team ang tawag mo sakanila?" Nagtataka kong tanong.

She grinned. "Walang makabuluhang kahulugan 'yon. Well, kung gusto mo ng backstory, nung mga bata pa kasi kami si Topher mahilig suminghot ng kung ano-ano. Sisinghutin niya muna ang pagkain bago niya kainin, ang inumin bago niya inumin, ang damit bago niya suotin. Basta lahat sinisinghot non--wholesome tayo ah hindi 'yung singhot na ginagawa ng mga kabataan ngayon--" she paused before laughing. "Anyway ayon, nahawa tuloy si Daniel, tapos si Elijah at Landell. Maniwala ka o hindi pati nga kami ni Vinny nahawa non. Tanging si Logan lang ang matino nun--"

Bigla namang tumikhim si Aria kaya napalingon sakanya si Zoey. Natawa naman si Zoey bago ipagpatuloy ang kwento. "Pati din pala si Aria, matino. Tahimik na bata 'yan. Kita niyo naman walang pinagbago oh. So ayun, dahil sa pangyayaring 'yon binansagan namin nila Vinny sina Logan ng Rugby Team."

"To add, Rugby is a sport that originated in England. Para siyang football o soccer." Singit naman ni Aria.

Napatango-tango naman ako bago may marealize. "Teka, magkababata kayo? Si Eric? Aaliyah?" Naalala ko kasi nung time sa Cady's Pad nandun rin si Eric at Aaliyah.

I noticed Zoey stiffen. Aria gave her a look before answering me. "Oo magkababata kaming lahat maliban nalang kay Eric at Aaliyah."

Bigla namang umayos muli si Zoey. "Si Eric at Aaliyah nakilala lang namin nung high school." Nilipat niya ang atensyon sa field. "Tama na usap uy, suportahan na natin ang Rugby Team!"

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon