27: The Realization

24K 412 115
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

Chapter theme: I can't make you love me by dave thomas junior

- -

CHAPTER 27: THE REALIZATION


"Kamusta si Blackie?" Tanong ko kay Zoey. Dahil bawal ang hayop sa dorm namin, pinagkatiwalaan ko nalang ang sisiw ko kay Zoey. Huling kita ko kay Blackie ay nung unang beses din namin siyang nakuha.

"Okay na okay! Ako pa ba, the best ako mag-alaga no!" Pagmamayabang niya.

Natawa naman ako at muling nilagok ang beer ko. Kasalukuyan kaming nasa Cady's Pad tulad ng nakagawian. Kaming tatlo ulit ni Aria ang nandito ngunit sumama ang magkapatid na nasa sulok lang at kinakalikot ang mga cellphone.

"Oh kantahan na!" Pakantang sigaw ni Zoey at tinapon saakin ang mic na kaagad ko namang sinalo. Kapwa kami nakatayo sa harap habang inaabangan ang pagsisimula ng kanta.

Todo kanta naman siya kahit simula palang. Natawa naman ako at sumunod.

"Iba na ang 'yong ngiti! Iba na ang 'yong tingin! Nagbago na'ng lahat sa 'yo, oh-oh." Kanta ko.

"Nako mukhang may pinapatamaan ka na wala dito ah!" Natatawang sabi ni Zoey.

Natawa naman ako at nagpatuloy lang kami sa pagkanta at paginom. Makalipas ang ilang oras ay nakita ko nalang ang sarili ko na karga-karga ng isang lalaki. Hindi ko siya masyadong maaninang dahil may kadiliman. Tantya ko ay nasa daan kami.

"S-sino ka?" Nahihilo kong tanong habang sumisinok. 

"Shh. Go back to sleep, Bea. Naka sampung bote ka, you're still drunk." Natatawang sabi niya. Pamilyar ang boses niya ngunit hindi ko masabi kung sino.

Pinikit ko ang mata ko at saglit na nakaidlip. Naalimpungatan naman ako nang makarinig ako ng kaluskos.

"Oh? Anong nangyari sakanya?" Sabi ng isang boses ng babae. May tinig ng pag-aalala ito.

"Don't worry, she's just drunk." Sagot naman ng bumubuhat saakin. "Where should I leave her?"

"Dito ang kama niya." Sabi ng papalayong boses ng babae.

Maya-maya ay naramdaman ko ang pagsalubong ng likod ko sa malambot na kama. I was automatically enveloped in warmth when a comforter covered my body. Unti-unti na ako muling binalutan ng antok.

"Thanks L..." Hindi ko na tuluyang narinig ang huling sinabi ng babae nang tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.


"You look like shit." 

Tinignan ko naman ng masama si Yian. Kanina pag-gising ko ay sobrang sama ng pakiramdam ko, hanggang ngayon nga ay hindi parin ito tumitila, parang mas lalo lang lumala. Nahihilo parin ako at nasusuka.

"Inom pa more. Ayan, lala ng hangover mo." Mapang-asar na wika ni Yian. Sabay kaming naglalakad papunta sa first class namin.

Bigla akong nakaramdam ng pagkasuka. Buti nalang at saktong nasa tabi kami ng CR, dali-dali akong pumasok sa loob ng isang cubicle, emptying the remains of my stomach.

Naramdaman ko ang kamay ni Yian na marahang humahaplos sa likod ko habang hawak-hawak ang buhok ko para hindi ito mabasa.

Pinununasan ko ng tissue ang bibig ko at flinush na ang inidoro. Inalalayan ako ni Yian patungong lababo kung saan nag-hilamos ako at nagmumog para hindi amoy suka ang hininga ko. Binigyan rin ako ng mint ni Yian pagkatapos.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon