29: Flavors of Love

20.4K 554 86
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

BABALA: RATED (medyo) SPG

- -

CHAPTER 29: FLAVORS OF LOVE


"Cloud ano ba?!" 

"Pikon ka nanaman." 

I threw him an annoyed look. He only replied with a grin.

Nitong mga nakaraan na araw, hindi ko alam kung anong nangyari at biglang umiba ang ihip ng hangin. Madalas kaming nagkikita ni Cloud dahil sa project namin at madalas niya narin akong kinukulit.

I sighed, "mag-seryoso ka na Cloud para mas madali natin 'tong matapos."

"Bakit, seryoso naman talaga ako sa'yo ah." 

Napatigil ako at matagal na napatitig kay Cloud na ngayo'y seryoso nang nakatingin saakin. Bigla ulit ako nailang sa paraan ng pagtitig niya saakin. 

Umirap nalang ako para hindi niya mahalatang naapektuhan ako.

"Tse! Huwag mo akong ginaganyan. Diba nga may g-girlfriend ka na?"

"Girlfriend? Huh? Bakit, sinasagot mo na ba ako?"

Namilog naman ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o hindi pero ayokong umasa. Bali-balita ay nagkakambutihan sila ni Kiera at ang alam ko ay nililigawan niya na ang dalaga.

"Si Kiera." Tipid na sagot ko na lamang.

"Ahh.." Tumango-tango siya. So ibig sabihin totoo nga ang balita? Hindi niya dineny eh. Pero hindi niya din naman kinoconfirm.

"S-so totoo nga? Kayo na nga?" Hindi ko naman mapigilan ang bibig ko.

He didn't answer. Nakaramdaman naman ako ng kaunting pagkapikon. Umirap nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa namin.

"Bakit, anong gagawin mo kung totoo nga?" Napapitlag naman ako nang maramdaman ang hangin sa tenga ko. Hindi ko napansin na mas malapit na pala ang distansiya naming dalawa. Halos ilang pulgada lamang ang pagitan naming dalawa.

Pasimple akong lumayo ng kaunti. "E-edi.. goodluck. I mean, masaya ako para sa'yo." Pinilit kong magpalabas ng isang ngiti. Bago niya pa mahalata na peke iyon ay binalik ko nalang ang tingin ko sa libro na nasa harapan ko.

Bigla namang nagring ang cellphone ko.

Hallelujah! Saved by the bell!

Dali-dali ko iyon kinuha at nang makita ko kung sino ang tumatawag ay lumayo ako ng kaunti kay Cloud.

"Hello?"

"Hello Bea, where are you? Are you busy?"

Napasulyap ako kay Cloud at napansin ang pagkakunot ng noo niya.

"May project lang akong ginagawa.." Sagot ko dito.

"Forget about that first. Vinny and I have some great news. We received an important information about the company owned by Zapata. It's a really critical information."

Hindi ko namang mapagilian mapangiti. "Talaga?!"

"Yes. We are on our way to the coffee shop as we speak. Meet us there."

"Okay okay, I'll be there agad! See you, Logan!"

"See you."

Sobrang lawak ng ngiti ko nang patayin ko ang tawag.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon