The Final Chapter

18.2K 332 51
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

Chapter theme: i cant help falling in love 

- -

"Love does not begin and end the way we seem to think it does. Love is a battle, love is a war; love is a growing up." - James Baldwin

THE FINAL CHAPTER


Habang palabas ako ng dorm, nakita ko ang sasakyan ni Cloud. Binaba niya ang bintana ng kotse kaya agad ko siyang nilapitan. Napansin kong nakasuot pa siya ng shades.

"Mukhang may lakad ka ah?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

"Anong lakad? Hindi mo ba nakikita naka-kotse ako? Mag-dadrive ako."

Naramdaman ko ang paglaki ng butas ng ilong ko sa inis. "Wala ka talagang magawa, eh no?"

"Anong walang magawa? Mag-dadrive nga kako ako."

"Tse!" Sabi ko at tumalikod. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko ngunit hindi ko iyon pinansin. Dumiretso na ako sa loob ng school. 

"Yiaaan!" Sabi ko pagkakita kay Yian. Umangkla ako sa braso niya.

"Oh? Nasaan ang boyfriend mo?"

Napasimangot naman ako nang maalala ko ang ginawa ni Cloud kanina. Naku! Matapos namin maayos ni Logan ang problema sa mga magulang namin, nagpaalam ulit si Cloud kung pwede bang manligaw siya. Syempre sinagot ko na kaagad dahil matagal na rin naman niya akong niligawan noon, na-pause lang. Pero ngayon, parang pinagsisisihan ko na 'yon, nakakaloka kasama si Ulap! Minu-minuto akong binabara!

"Ewan ko. Bahala 'yon." Sagot ko kay Yian.

"Nako. Kaka-start niyo palang nag aaway na kaagad kayo." Yian said, clicking her tongue.

Napaismid naman ako, "pinipilosopo ako eh!"

"Sus, parang hindi ka pa sanay." Natatawang kumento niya.

"Hay nako. Tara na nga sa Cady's! Nandoon na ba sina Phael?" Paglilihis ko sa usapan.

"Oo," tumango naman ako at sabay na kaming naglakad papunta sa Cady's. Sabado kasi ngayon at may pinasang paper sina Phael kaya imbis na umuwi agad ay nag-aya silang mag Cady's. Hapon palang naman kaya pag-dating namin doon ay hindi gaano karamihan ang mga tao. 

"Oh? Saan si Ulap?" Tanong ni Clay nang mapansin na hindi namin kasama si Cloud. Nakatingin silang lahat saakin, na para bang inaabangan ang sagot ko.

"Try mong tumingin sa langit." Pabalang kong sagot.

Sabay-sabay naman silang napailing.

"Nako, nahawaan na." Kumento ni Crime.

"Bakit, sakit ba 'yon para mahawa ako?" Wika ko habang nakataas ang isang kilay.

"Bea, meron ka ba?" Biglang tanong ni Phael.

"Paanong magkakaron 'yan. Nag-memenopause na nga ata eh." Napairap naman ako nang biglang dumating si Cloud at tumabi saakin. "Hi, miss me?" Bulong niya sa tenga ko.

Ang labo din neto. Lalaitin ako tapos biglang may pa-miss me, miss me dyan.

Hindi ko siya pinansin. Dumating na ang dalawang bucket ng alak na inorder nila Phael kanina. Kaagad akong kumuha ng isa at sinalinan ang baso ko.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon