21: Charades and an Osculate

44.2K 490 115
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 21: CHARADES AND AN OSCULATE


Second day na namin ngayon at katatapos lang namin mag lunch. Kaninang umaga ay nagkatalk lang kami. Ngayon naman ay papunta na kami sa isang site para sa isang activity. Nagulat naman ako nang maramdaman ko ang pag-akbay saakin ni Ulap.

"Hoy alisin mo nga ang pag-akbay saakin, ang bigat bigat kaya ng braso mo!" Inis kong sabi habang inaalis ang pagkakaakbay niya. Mas lalo lang niya iyon diniinan.

Nginisian niya lang ako at pinitik ang noo ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Pagdating namin sa site ay nakita ko naman sina Zoey. Masaya ko siyang kinawayan at sakto namang napalingon din si Landell na nginitian ako. Lalapitan ko na sana sila nang bigla akong hinila ni Cloud papunta sa kabilang direksyon.

"T-teka lang, pupuntahan ko lang sina Zoey."

"Mamaya na. Magsisimula na." Walang emosyon niyang sabi. Napakamot nalang ako sa ulo at naupo sa tabi niya.

Dumating na nga ang isang retreat staff at nagpakilala. 

"For today's activity, we will be playing charades. For sure all of you know the mechanics of the game, right?" Tumigil ito at hinintay kaming sumagot. "So since there are sixty-four of you here, we will be dividing you in teams and the team to get the most points wins. There will be a timer of five minutes and only one volunteer will act for your group. Sabay-sabay kayong mag stastart and I will be assigning some retreat staffs for every group to make sure na walang magchcheat. We will be having eight groups so please divide yourselves into eight members."

"Sir, eight members po?" Sabi ng isang studyante.

"Kasasabi nga lang diba?" Mahinang bulong ng staff ngunit narinig parin namin dahil nakatayo siya malapit sa pwesto namin. "Yes, eight."

Nagkatinginan naman kami ng grupo. Six na kami at kulang pa kami ng dalawang members.

"Sir, pwede six?" Biglang sigaw ni Phael.

Napalingon saamin ang staff at napailing-iling nalang. Ngumiti ito ng sarkastiko bago muling magsalita. "Since sixty-four kayo dito, hindi pwedeng may kulang o sobra sa isang grupo. Eight lang. Eight." Sabi nito habang mariin ang titig kay Phael.

Binatukan naman ni Clay si Phael. "Gago sinabi na ngang eight lang."

Pinandilatan naman ni Phael si Clay. "Eh sa kulang tayo eh."

"Hi!"

Napalingon kaming anim sa dalawang babaeng nakatayo sa tapat namin. Hindi ko maiwasan ang panliliit ng mga mata ko nang makita kung sino ang isang babae.

"Anong ginagawa mo dito?" Singhal ni Phael bago humalukipkip.

Umirap naman si Vinny. "Hindi ko din 'to ginusto Raphael. Sobra na kami sa grupo at napansin naming kulang kayo kaya nandito kami."

"Okay lang naman sainyo, right? Cloud?" Tanong naman ni Kiera habang nagpapacute kay Cloud. Napairap naman ako.

"Okay lang since kulang rin naman kami." Nakangiting sabi ni Crime.

"Great!" Sabi ni Kiera at biglang pumagitna saamin ni Cloud.

"Sa lahat ng aalisin sa grupo niyo, ikaw pa talaga. Well, sabagay, sino ba namang gustong makasama ang tulad mo?" Pangaasar ni Phael.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon