22: Birthday Planning

41.4K 505 105
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 22: BIRTHDAY PLANNING


Last day na ng retreat namin at mamayang hapon ay aalis narin kami. Kasalukuyan kaming nasa ropes course. Nag-cocount off dahil igugrupo daw kami para sa gagawing activity. Kasama ulit namin ang section nila Zoey.

"Five." Sabi ko nang turn ko na magbilang. Napabusangot naman ako at napalingon kay Yian na nakasimangot narin. Lumayo nga kami sa isa't isa para sakaling maging groupmates kami kaso kapos naman dahil ang bilang niya ay four. Sampung groups daw ang gagawin at merong six members each. Pero since sobra kami ay apat na grupo ang magkakaroon ng seven members.

"Okay, you may now go to your groups!"

Hinanap ko naman ang grupo ko.

"Six?" Tanong ng isang lalaki sa harap ko. Umiling naman ako.

Maya-maya ay nakita ko narin ang grupo ko. Ang dismaya ko kanina ay napalitan ng pagkatuwa nang matanaw ko ang isang babae.

"Girly!!" Sigaw nito sabay yakap saakin. 

Natatawa naman akong kumalas dito. Inangkla niya naman ang braso niya sa braso ko.

"Uy, Bea, group five ka rin?" Napalingon ako at nagulat nang makita si Landell. Ngumiti nalang ako at tumango.

May kasama kaming apat na hindi pamilyar saakin. Nagpakilala naman kami sa isa't isa.

"Whichever group finishes the course first wins! Is everyone ready?" Sabi ng retreat staff.

Hinanap naman ng mata ko ang mga kaibigan ko. Magkagrupo si Clay at Crime samantalang hindi ko maaninang sina Yian at Phael. Nang makita ko si Cloud ay agad akong napangiti ngunit agad rin iyon napawi nang makita ko kung sino ang katabi niya. Si Kiera.

Napabusangot ako. Ibabalik ko na sana ang tingin sa mga kagrupo ko nang biglang mapalingon si Cloud sa direksyon ko. Nagsalubong ang mga tingin namin at bigla namang kumurba ang ngisi sa kanyang labi. Wala sa sariling napahawak ako sa leeg ko.

Hiyang-hiya ako dahil nakita ni Yian ang hickey na nasa leeg ko pagbalik namin sa retreat house kahapon. Todo asar siya saakin. Buti nalang at siya lang ang nakakita kaya agad ko iyon tinakpan gamit ang buhok ko. Walang hiya kasi 'yang Ulap na 'yan hindi man lang ako sinabihan na nagiwan pala ng hickey!

"Ready, set, go!" 

Binalik ko ang tingin ko sa harap. Nagsisimula na ang una naming ka-grupo. Isa-isa kasi kaming dadaan sa ropes course. Merong sampung identical ropes course dito kaya sabay lahat ng groups na gagawin ang activity.

Nang turn ko na ay nagmadali ako. Mahaba-haba ang tatahakin namin dito. Sabi ng staff dito ay halos 15-20 minutes daw ito bago matapos.

Halos ilang minuto palang ang nakakalipas pero ramdam ko na ang tagadak ng pawis ko. Nakakapagod kasi yung course at idagdag mo pang tapat na tapat ang araw saamin. Nakababa din ang mahaba kong buhok kaya mas lalo kong nararamdaman ang init ng ulo ko--literal na init.

Napapitlag naman ako nang may makitang anino sa tabi ko pero agad rin akong kumalma nang mapansing si Landell lang pala 'yon.

"Oh, kaya pa?" Natatawang sabi niya sa tabi ko.

"Para na akong tostadong ulam dahil sa init ng panahon." Ngiwi ko

"Step aside losers, matatalo tayo kapag nagdaldalan lang kayo dyan!" Biglang pumagitna saamin si Zoey at nginisian kami. "Mahuli pangit!" Bigla siyang tumakbo palayo. Parehas naman kaming napailing ni Landell bago tumawa.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon