11: Confession

84.4K 897 252
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 11: CONFESSION


A pair of squinting eyes stared back at me.

I rolled my eyes. "I told you, dare lang 'yun. Para gumaan pa ang loob mo, hindi rin ako ang nag type ng mensaheng yun."

Nakatingin parin siya saakin na para bang jinujudge ang buong pagkatao ko. "Mabuti na't sigurado. Hanggang ngayon kinikilabutan parin ako." Sabi ni Phael at bahagyang nangisay ang katawan.

Na-offend naman ako. Kahit wala akong gusto sakanya, ganun niya ba ako kaayaw na i-date kaya ganyan reaction niya? Kapal niya naman, ang ganda ganda ko kaya!

I huffed. "Hoy! Ang ganda ganda ko tapos ginaganyan mo lang ako?" Naiinis kong saad.

Napangisi naman siya. "Ganda? Saan banda?" At talagang humahalaklak pa. "Besides, hindi naman 'yon ang dahilan kaya ganun ang naging reaksyon ko. Loyal akong kaibigan. I follow the bro code, man."

Muli ay napairap ako. "So ano, i-uunblock mo na ba ang number ko?"

Napatango-tango naman siya. "Ngayon na alam ko na hindi ikaw ang nag-text nun, oo."

Sarap tirisin ng mukha ng Phael na 'to, kala mo naman type ko siya! 

"Nga pala, asan si Ulap?" Tanong ko. Ang alam ko ay magkaklase sila ngayon pero dahil free cut ay nakalaya nanaman ang PhaEPAL na 'to.

"May kasamang chicks." Dahil sa sinabi niya ay agad ko siyang hinampas ng paulit-ulit. "Aray! Aray naman! Kayo talagang mga babae ang liit liit pero ang bigat ng kamay!" Mas lalo ko lang siyang hinampas dahil sa sinabi niya. Wala akong paki kung makaiwan ng marks ng kamay ko ang mukha at braso niya. Kanina pa siya, nakakagigil na ha!!

Nakatakas naman siya mula sa paghampas ko. Kita ko ang pamumula ng braso at pisngi niya. Nakasimangot na siya at masama ang tingin saakin.

Ha! Buti nga sa'yong panget ka.

"Nasaan nga si Cloud?" Paguulit ko at humalukipkip.

"Nasa iba niyang babae--" Akmang hahampasin ko na siya nang mapalayo siya at mapakamot sa ulo dahil sa inis. "Oo na eto na! Anak ng pota. Hindi naman mabiro. Ayaw pa kasing sagutin." Mahina lamang ang pagkasabi niya sa huli ngunit narinig ko parin ito.

I ignored his last statement. Instead, I raised my eyebrow, waiting for a response.

"Kasama niya si Kiera." Kumunot ang noo ko. Napansin niya naman 'to. "May project kami na by partner. Ka-partner niya 'yon."

Sa hindi malamang dahilan, bigla akong nakaramdam ng inis at... selos?

Ngayon ko lang 'to naramdaman... at hindi ko nagugustuhan ang pakiramdam.

"Eh ikaw, bakit hindi mo kasama ang partner mo?" Tanong ko nalang para hindi maisip ang nararamdaman ko.

Bigla namang namuo ang galit sa itsura niya. "Kasi demonya yung partner ko."

Mukhang alam ko na kung sino ang partner nito ah.


"Kailangan mo ba talaga akong isama pa Bea? Sinabi ko na kung nasan sila." Inis na sabi ni Phael at napakamot pa ng ulo sa inis.

Hindi ko ito pinansin bagkus ay binuksan ko na ang pinto sa library at agad na dumiretso sa 3rd floor kung saan ang study area. Merong 5 floors dito sa library, pare-parehas lang naman ang hitsura nito ngunit mas maraming lamesa sa 3rd floor dahil dito kadalasan nagaaral--o natutulog--ang mga estudyante.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon