20: Retreat

46.6K 609 110
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 20: RETREAT


Nandito kaming lahat sa bus. Retreat kasi namin at lahat kami ay nag-enlist sa same section kaya magkakasama kami. Meron kasing anim na sections na mananatili sa same retreat place at kada section ay merong 30-35 students.

Tig dadalawa ang upuan per row at katabi ko si Yian. Sa kabilang row naman sa tabi ko nakaupo ang magkatabing si Phael at Ulap. Sa likod naman nila ay si Clay at Crime.

Wala kaming ginawa kundi magkwentuhan, kumain at matulog habang nasa byahe. Nang makarating kami sa retreat place ay nagmamadali kaming lumabas para mag inat. Halos apat na oras din ang byahe namin kaya nakakangawit sa binti.

"Wow, ang laki!" Manghang sabi ni Yian habang pinagmamasdan ang paligid.

"That's what she said." Rinig kong sabi ni Phael at bumungisngis naman ang apat na lalaki.

Napailing nalang ako samantalang si Yian ay napairap.

Dumiretso kami sa kwarto namin para ayusin ang mga gamit namin. Apatan ang bawat kwarto kaya roommates kami ni Yian at dalawa pang babae na hindi namin kilala. Nasa isa kaming retreat place na napakalawak. Napapaligiran ito ng mga naglalakihang mga puno at magandang tanawin. Meron ding chapel dito at mga recreational activities tulad ng zipline, climbs, ropes course, at iba pa.

Tatlong araw kami mananatili dito at dahil first day palang namin ngayon ay hinayaan muna kami ng professor namin na maglibot-libot. Mamayang alas kwatro ay magkikita-kita ulit kami para sa unang activity. Alas tres palang naman kaya may free time kaming isang oras.

"Bea may tanong ako." Sabi ni Yian.

"Ano 'yun?"

Parang nag-alinlangan pa siya. "Anong stage niyo na ni Ulap? Nag-ano na ba kayo?"

Nagulat naman ako. "Anong sinasabi mo?"

Pinandilatan niya ako ng mata. "Yung ano.." pinorma niya ang isang kamay para magmukhang 'O' at sa kabilang kamay naman ay tinaas niya ang isang daliri. Pagkatapos nun ay pinasok niya ang daliri sa loob ng 'O'. Dalawang beses niya ito pinasok-labas.

Hinampas ko naman ang kamay niya. "Anong ginagawa mo?!" Giit ko at pasimpleng tinignan ang paligid para makasiguradong walang nakakita nung ginawa niya.

Umiling siya. "Eto nalang, nakakita ka na ba ng talong ng lalaki?"

"Yian!"

"Ano?"

"Anong meron sa'yo at bakit ganyan ang mga tinatanong mo saakin?"

"Wala lang, curious lang kasi ako. Hindi pa ako nakakakita."

"Bakit ka naman biglang na-curious?"

"May nakita kasi akong picture sa facebook, animation siya ng circumcision ng talong. Gusto ko lang sana malaman kung ganun ba talaga ang itsura." Hindi makapaniwalang napatingin naman ako sakanya. Jusko, ano ba 'tong pinaguusapan namin?

"Malay ko ba, wala naman akong talong!" Pabulong kong sigaw sakanya. Nakakahiya kung may makarinig sa pinaguusapan namin.

"Ano 'tong narinig ko tungkol sa talong?" Muntik na akong mapasigaw sa gulat nang pumagitna saamin si Phael.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon