03: Soccer

120K 1.6K 301
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 3: SOCCER


Katatapos lang ng klase namin ni Yian at break naming dalawa ngayon kaya naglalakad kami papuntang cafeteria. Bigla siyang tumigil kaya napatigil rin ako.

"Uy Bea," nakangiwi niyang saad, "pasensya na, nakalimutan ko may meeting pala kami sa org."

Kunwari naman akong nagtatampo. "So mas uunahin mo org mo kaysa sa best friend mo?"

"Uy sorry na! Importante kasi 'to eh." Nakalabi niyang sabi

Natawa naman ako. "Joke lang 'yun uy, go lang."

"Talaga?" Napatango naman ako kaya umalis na siya. Noong mga bata palang kami ni Yian ay in-enroll siya ng mga magulang niya sa ballerina workshop. Dahil doon ay naging flexible ang katawan niya, add the fact that she's also versatile, which is why she's able to dance to various genres. When the week of the annual recruitment for organizations came, she was offered by the street dance club to join their club.

Ako naman ay kasali sa theatre club. Si Phael at Cloud ay parehas nag apply for varsity sa basketball club, na kaagad naman silang tinanggap dahil magaling naman talaga sila. Si Clay ay kasali sa photography and film club at si Crime naman ay walang sinalihan. Nag-apply rin siya sa basketball kaso sa kasamaang palad ay hindi siya tinanggap dahil sa height niya.

Pagdating ko sa cafeteria ay kaagad akong bumili ng dutchmill. Matapos iyon ay umalis na ako at pupunta sana sa likod ng school, sa ilalim ng puno kung saan kami usually tumatambay, nang makita ko si Phael. Tatawagin ko sana ito pero napatigil ako nung makita kong may kasama siyang pamilyar na babae.

Nagulat naman ako nang maalala na ito 'yung babaeng nakita namin sa labas ng guidance's office. 'Yung naka all pink. Tulad ngayon ay naka all pink parin siya.

Masama ang timpla ng mukha ni Phael habang kausap 'yung babae ngunit hindi ko marinig kung ano ang pinaguusapan nila since may kalayuan sila mula saakin.

Napakibit balikat nalang ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad papuntang tambayan namin.

Madadaanan ko ang field kung saan may mga studyanteng nag sosoccer. Hindi ko namang maiwasang mapatingin sa mga naglalaro. Namangha naman ako dahil bihira lang ako makanood ng soccer game. Usually ay volleyball at basketball ang napapanood ko.

I decided to stay and sit at the bleachers. Pinanood ko ang mga naglalaro at hindi ko maiwasang sundan ng tingin ang lalaking naka-blue dahil sa galing niyang maglaro. Number 13 ang nakasulat sa likod ng jersey niya, at sa itaas naman nun ay ang kanyang surname na Smith.

Dahil nasa kalaban na ang bola--nasa red team--ay tumakbo na sila papunta sa kabilang direksyon, kaya kitang kita ko na ang mukha niya ngayon. 

Nagulat naman ako nang mapagtanto kong si Landell 'to. 

Tumatakbo sila papunta sa net ng kalaban. Bigla naman siyang napalingon sa direksyon ko. Hindi ko alam kung saakin siya nakatingin o nagkataon lang na nakaharap siya sa pwesto kung nasaan ako.

I learned the answer to my question when he suddenly stared at me before giving me a faint smile. I didn't get the chance to return his smile because he immediately returned his attention to their game.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon