18: Dinner hell

49.5K 745 203
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 18: DINNER HELL


"Queen ka ba?"

"Bakit?"

"Kasi ako'y sa'yo, ikaw ay aqueen. Yiee. Kilig ka no?"

"Ikaw king ka ba?"

"Ay pumipick up line din! Sige, bakit?"

"Kasi king ina mo."

"Harsh mo naman Ulap." Sabi ni Clay at napabusangot. Kanina pa 'yan nagpipick up line si Clay kaya siguro napikon na si Ulap at pinatulan na siya.

Napailing nalang ako. 

Tapos na ang fair namin kaya back to normal na ulit ang klase. Nandito kami ni Clay, Yian at Cloud ngayon sa cafeteria kumakain ng lunch. 

Maya-maya ay dumating si Phael na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha. 

"Hayop, hindi ako nakapagaral!" Inis na bulalas niya at marahas na ginulo ang buhok. Bigla naman siyang tumingin kay Ulap. "Ulap tatabi ako sa'yo sa quiz mamaya ah."

Blanko naman siyang tinignan ni Ulap. "Phael alam mo kahit kandungin pa kita parehas tayong walang masasagot."

"Gago kinky ka Ulap ah." Sabi ni Phael bago binaling ang atensyon saakin. "Sinagot mo na ba 'to, Bea?"

I just rolled my eyes and continued eating.

Matapos nilang maglunch ay dumiretso na silang dalawa sa klase, umalis narin si Clay dahil may klase din ito. Dahil break pa namin ni Yian ay nanatili lang kami sa cafeteria habang nagkwe-kwentuhan. May naalala naman ako bigla.

"Hoy Yian, what's up with you and Elijah?" Binigyan ko siya ng magkahulugang tingin.

Parang nagulat naman siya sa biglaan kong pagtanong. Napaiwas siya ng tingin bago binalik ang tingin saakin. 

"Walang kami."

Binatukan ko naman siya. "Tanga, sabi ko anong meron sainyo, hindi ko tinanong kung meron bang kayo."

Hinimas niya naman ang ulo niya. "Wala namang ganap saamin. Kinaiinisan lang namin ang isa't isa."

Tinignan ko siya nang may pagdududa. Hindi ako naniniwala sakanya, ngunit kung ayaw niya pang sabihin ay hindi ko nalang muna siya pipilitin. Makalipas ang ilang saglit nagulat naman kami nang dumating si Phael.

"Oh? Diba may quiz kayo?" Nagtataka kong tanong.

Tumango siya. "Oo, tapos na. Nakakagago nga eh chineck agad papel namin 2 over 30 lang ako." Naiinis na saad ni Phael at kinamot ang ulo.

Bigla namang dumating si Ulap at naupo sa tabi ko. Nilingon naman siya ni Phael.

"Pre, ilan ka?" Usisang tanong ni Phael.

"29 over 30." 

"Seryoso ba 'yan?! Sabi mo hindi ka nag-aral kaya hindi ako tumabi sa'yo tapos isa lang pala mali mo? Madamot kang hayop ka." Naiinis na sabi ni Phael.

"Magaral ka kasi gunggong. Kaya naiinis sa'yo nanay mo eh." Pang-aasar ni Ulap

"Oo nga, maging responsable ka naman Phael." Singit ni Yian

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon