08: The Question

97K 1.1K 181
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 8: THE QUESTION


Nandito kami ni Cloud ngayon sa Central Circle, isang mall dito sa Cappe Town, ang lungsod kung saan kami nag high school nila Cloud, Yian, Crime, Phael, at Clay. Dito rin kaming lahat nakatira ngunit dahil maliit lang ang lungsod na ito, walang unibersidad dito, hanggang high school lang. Ang pinakamalapit na kolehiyo dito ay ang Blackwood University. Nagiisa lang ito at nasa lungsod ito ng Blackwood City, 2-3 hours ang layo nito mula sa Cappe Town.

"Boom talo!" Natatawa kong sigaw habang nakataas ang dalawa kong kamay. Si Cloud naman ay napaungol sa inis.

I smirked. "Ano, isang game pa?" Nangaasar kong tanong sakanya. Nakaka limang laro na kami dito sa barilan pero lagi siyang natatalo, malamang hindi kasi ito palaro ng video games, mas gusto niya pang mag basketball. Ako naman ay napapalaro dahil sa kapatid kong si Skype, minsan natatalo ko pa nga yun.

Matigas itong tumingin saakin. "Hindi ako magpapatalo sa isang babae."

"Wow sexist lang?" Nakataas ang kilay kong tanong. Ngunit alam kong nagbibiro lang ito.

Hindi niya ako pinansin sa halip ay naglagay ito ng dalawang token at nagsimula na ulit kaming maglaro.

"Tangina naman!" Sigaw niya at sinipa ang stand nung baril. Agad naman itong napahiyaw sa sakit, malamang bakal 'yung sinipa niya.

"Idiot." Naiiling kong sabi dito.

Inis na inis na ito dahil hindi niya parin ako natatalo. Baka masira pa mood nito kaya agad ko siyang hinila sa ibang mga palaruan.

"Dito, dito!" Sabi niya at tumakbo papunta doon sa nakahilerang mga basketball. Lumingon ito saakin at ngumisi. "Imposibleng matalo mo ako dito." Confident niyang sabi.

Agad naman akong sumunod doon. Magkatabi kami at nang magsimula na ang laro ay napansin ko ang pagseseryoso nito. Nakapasa kami parehas sa first round na dapat ay makaminimum kang score na 40. Second round na at ang minimum score para makapasa sa third round ay 70. Maya maya ay sumilip ako sa score niya at napansing nasa 64 na ito samantalang ako ay nasa 52 palang.

Nang akmang mag sshoot na siya ay kaagad ko siyang tinabig kaya hindi ito nashoot.

Napalingon ito saakin at tinapunan ako ng masamang tingin. Bumungisngis naman ako at nag peace sign. "Oops."

Napailing ito at nagpatuloy nalang sa paglalaro.

Matapos ang ilang minuto ay nasa 190 na ito, ako naman ay kanina pang natalo sa second round kaya pinanood ko nalang siya.

Nakatitig lang ako sa mukha niyang seryoso at nakitang may isang butil ng pawis na tumulo. Nilingon ko ang score at nagulat na makitang 334 na ito.

Nabeat niya ang previous high score na 246.

Matapos maglaro ay napakalaki ng ngisi nito na nakatingin saakin, para bang nagmamalaki.

Natawa naman ako at kaagad siyang nilapitan. Kumuha ako ng panyo mula sa bag ko at pinunasan ang pawis niya. Napansin ko naman ang unti-unting pagwala ng ngiti sa mukha niya. Seryoso na ang mukha nito ngayon.

Nailang naman ako sa mga tingin niya kaya agad kong binawi yung kamay ko at tinapon sakanya yung panyo.

"Punasan mo pawis mo," nauutal kong sabi at napaiwas nalang ng tingin.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon