Special Chapter #1 - Cloud Vander Concepcion

57.5K 654 140
                                    

SPECIAL CHAPTER (PART 1) - CLOUD'S POV


"Parang kabado ka ah?" Napalingon ako at nakita si Phael na nakangisi. I glared at him kaya inangat niya ang dalawa niyang kamay sa ere bilang pagsuko. "Joke lang. Alam kong kayang-kaya mo 'yan. Tsaka halata namang gusto ka rin ni Bea."

Tinapik ni Clay ang balikat ko. "Pwede ko bang video-han ang pagtanong mo sakanya?"

I stared at him blankly. "No."

"Sige na oh? Ayaw niyo 'yun? Nakuha sa film 'yung unang araw niyo officially as girlfriend and boyfriend? Memories din 'yun pare."

Napaisip naman ako. May punto si Clay, pwede naming balik-balikan ni Bea ang panahon na sinagot niya ako paglumipas na ang maraming taon. Para may maipakita din ako sa mga anak namin kung sakaling tanungin nila kung paano kami naging official ng mommy nila.

I couldn't help but smile at the thought of starting a family with Bea. Napatikhim ako at ginawang blanko ang ekspresyon ko. 

I stared at Clay. "Ikaw bahala."

Ngumiti naman siya ng nakakaloko. Napailing nalang ako. 

Alam nilang lahat na ngayon ko tatanungin si Bea para maging girlfriend ko kaya buong maghapon nila akong inaasar. Paano daw kung hindi ako sinagot ni Bea o kung biglang nagbago ang ihip ng mundo at biglang aminin niya saakin na 'yung Smith na pala ang gusto niya at hindi ako. Napakuyom naman ako ng kamao nang maalala ko ang pagmumukha nung Landell Smith na yun.

"Oh, doon daw tayo sa table 4." Biglang dating ni Yian. Napatango naman ako at sabay-sabay kaming naglakad patungo sa table namin. 

Inilibot ko ang tingin ko. Maganda ang disenyo ng buong kapaligiran. Balita ko ay si tita Venus ang nag fund ng birthday celebration ni Bea dahil siya ang may idea na magpaparty si Bea. Kilala ko si Bea, mas gugustuhin niya ang maliit na salo-salo lang kesa sa magarbong selebrasyon tulad nito.

Naningkit ang mata ko nang makita ko ang isang pamilyar na tao. I scoffed.

Of course, nandito si Smith.

Napalingon siya sa direksyon ko kaya nagsukatan kami ng tingin. Biglang may kumalabit sakanya--Zoey ata ang pangalan--kaya napaiwas na siya ng tingin.

Tss.

Umupo na kami sa pabilog na lamesa. Napasimangot naman ako nang makita kong tatlong lamesa lang ang pagitan namin mula sa lamesa nila Smith.

"Coke, sprite, royal or water?" Sumulpot ang isang waiter na may dala dalang mga refreshments. Kanya-kanyang sagot naman ang mga kasama ko.

"Coke." Tipid kong sagot. 

Binuksan ko ang coke at sinalinan ang baso ko. I took a sip while roaming my eyes.

"Uy, balita ko ngayon mo daw tatanungin si Bea?" My eyes snapped to Yian when she asked this. Binaba ko ang baso at tumango. "Finally!" Dagdag niya.

"Why?" I asked. 

She gave me a smile, "wala lang. Ang tagal mo na siyang nililigawan, it's time na maging official narin kayo. I'm happy for the both of you."

Hindi na ako nakasagot nang biglang tumungtong sa stage ang emcee. Nagpakilala siya at maya-maya ay tinawag na ang parents ni Bea. Bumaba mula sa malawak na staircase ang mga magulang ni Bea. Nakangiti sila ngunit alam mong hindi sila kumportable based on their actions.

"Wow, ang ganda talaga ng mama ni Bea." Rinig kong sabi ni Phael. Binatukan naman siya ni Yian.

"Ugok ka, huwag mong pagnasaan ang mommy ni Bea!" Pangaaral ni Yian.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon