09: I'm her boyfriend

89.4K 1.1K 149
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 9: I'M HER BOYFRIEND


Nagulat naman ako sa sinabi ni Cloud. Hindi ako nakaimik.

"Sorry," rinig kong sabi nito. "I shouldn't have asked that. Forget what I said."

Napailing naman ako. "It's okay Cloud." Giit ko at hinawakan ang kamay nito. "But you know the answer to that, right?" 

Napatango-tango naman ito. "I know." He shrugged, "it was worth the shot." I heard him murmur.

Wala naman sanang issue pero I'm still 17 and nung nagpaalam si Cloud sa dad ko para ligawan ako ay nagpromise siya na hindi niya ako tatanungin na maging girlfriend hanggang sa maging 18 na ako at kapag handa na ako.

I'm turning 18 in a few months narin kaya hindi ko alam bakit bigla nalang napatanong 'tong si Cloud. May nangyari ba?

Sa totoo lang ay wala namang kaso saakin na hindi pa ako 18. Pero hindi ko lang sigurado kung handa na ba ako..

Okay naman si Cloud lalo na't matagal na kami magkakilala kaso hindi ko kasi alam kung parehas ba ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Aminado akong gusto ko siya at gusto niya rin ako ngunit sapat ba yun para maging kami?

Sapat na bang magustuhan ang isang tao para pumasok sa isang relasyon? Hindi ba't kailangan ng commitment doon? Ng pagmamahal?

I've never fallen in love before, so I don't know how it feels like to love someone other than my family.


"Hoy bruha ka!" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Yian at pinulupot ang braso niya sa bewang ko. "Hindi mo sinabi na pumunta pala kayo ni Ulap sa Zonetime!" Ang Zonetime ay 'yung palaruan na pinuntahan namin ni Cloud nung sabado sa Central Circle.

Nagulat naman ako. "Paano mo nalaman?"

"Duh!" Sabi nito at umirap, "kalat na yung video mo na kumakanta sa public karaoke!"

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig, "anong ibig mong sabihin?"

Nilabas niya ang cellphone niya at may kinalikot doon bago ito ibigay saakin. Napatigil naman ako sa paglalakad habang pinapanood ang nasa screen ng phone niya.

May isang babaeng kumakanta habang nakatingin lang sa isang direksyon ngunit hindi pinakita sa video kung saan siya nakatingin. Nakapost ito sa youtube.

Binasa ko naman ang iilang mga comments.


Nadia101: Wow! such a pretty girl with a pretty voice

StevewOnderz: gago ang ganda, idol!

MonkeyGURL: I LOVE THIS SONG IM SCREAMING

Publishz: bat tuwing pumupunta ako dyan walang ganyan kagandang kumakanta?

_Angelll: Girl you got the talent!!!!

GoldenHyung: i think im in love


"Sikat ka na girl!" Sabi nito sabay sundot sa bewang ko. "Nag-viral yung video na yan nung Sunday kaya halos 1 million views na ngayon."

"Sino nag post neto?" Nagtataka kong tanong.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon