05: Ocean

105K 1.2K 195
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 5: OCEAN


Nakarinig ako ng mahinang ungol. Napangisi naman ako at tumayo sa tabi ng kama ni Yian habang nakahalukipkip at pailing-iling na nakatingin sakanya.

Napadilat siya at napatingin saakin.

"Ano? Masakit ulo mo?" Pang aasar ko.

Napapikit siya at muli nanamang umungol.

"Ayan! Magdusa ka dyan, pagkatapos niyo akong pahirapan kagabi!" Inis kong sabi

Halos kaladkarin ko 'tong babaeng 'to pauwi kagabi. Nung nakita ko siya ulit after namin magkahiwalay ay nakainom nanaman ang bruha kaya lasing na lasing. Nahimasmasan rin naman si Cloud kagabi kaya silang dalawa ni Clay ang naguwi kay Phael at Crime.

Bigla namang napadilat si Yian at napabangon.

"OMG 'yung Jimmy Choo heels ko!" Sigaw ni Yian. Gulo-gulo pa ang buhok nito at mukhang baliw dahil kalat-kalat rin 'yung make up niya na hindi niya pa natanggal mula kagabi. "Raphael Villafuerte papatayin kita!!" 

Napailing nalang ako at bumalik sa kama ko para ipagpatuloy ang pagayos nito. Pagkatapos ay nakita kong umilaw ang screen ng phone ko na nakapatong sa lamesa kaya kinuha ko ito at tinignan. Nakareceive ako ng text galing sa isang unknown number.


+639569876543:

Hey Bea, it's Landell.


Nagtaka naman ako. Saan niya nakuha ang number ko?


Me:

Hi. Paano mo nakuha ang number ko?


Matapos ko magreply ay sinave ko 'yung number niya sa contacts ko. Kakababa ko lang ng phone ay muli itong umilaw.


Landell:

From Aaliyah.

Aayain sana kita if you're free today?

Let's do the book report.

Me:

Sure. 1pm?

Landell:

Sounds great. :)


Since 9AM palang naman ay ginawa ko ang iba kong mga homeworks. Nagluto narin ako ng hapunan para narin kay Yian since hindi pa siya bumabangon. Mukhang malala ang hangover ng babaeng 'yon. Nakatulog ulit kasi pagkatapos awayin si Phael sa text.

Pagpatak ng 12PM ay naligo na ako at nagayos. Dala ko ang bag ko na may lamang laptop. Nag-iwan ako ng sticky note kay Yian bago lumabas.

Dumiretso ako sa library at kinuha ang libro na gagawan namin ng report. Natapos na itong basahin ni Landell sa free time niya samantalang ako naman ay malapit ko nang matapos.


Me:

Hey Landell, andito na ako sa lib. Same spot.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon