30: Facing the Gordian Knot

18K 395 34
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 30: FACING THE GORDIAN KNOT


[THIRD PERSON]

Lumilikha ng mahinang tunog ang pagsalubong ng mga kuko ng dalaga sa armchair ng swivel chair na inookupa habang kalmado lang itong hinihintay ang kanyang pakay.

Tok. Tok. Tok.

Nasa loob ng office ng pamamahay ng mga Davis ang dalaga. Nakaupo ito swivel chair na nakatalikod mula sa pinto. 

Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Clyde Davis na nakapormal pang kasuotan, tanda na galing ito sa opisina ng kompanya bago dumiretso sariling home office. Hindi nito napansin ang dalaga dahil sa swivel chair na tinatakpan ang kanyang katawan.

"Mr. Davis..."

Napapitlag ang matanda at gulat na napalingon sa pinanggalingan ng boses. The swivel chair turned and revealed the person sitting on it.

"Beatrice Louise? What are you doing here?" Naguguluhang tanong ng matanda.

Seryoso lamang ang itsura ng dalaga. "I have a proposition for you."


Sa kabilang dako naman, hinihintay ni Logan si Venus Robles sa isang restawran. Dito niya naisipang makipagkita sa matanda dahil alam nitong may reputasyon itong iniingatan sa publiko. Kung sakali mang magalit ang matanda sa sasabihin ng binata, alam niyang ligtas siya dahil hindi ito gagawa ng masama lalo na't maraming nakamasid.

"Oh, hi Logan," sabi ng ginang na kakarating lang. Ngumiti ito sa binata. "Where are your parents? They told me they would meet me here."

Binigyan siya ng binata ng matipid na ngiti. "Sorry Tita Venus, my parents had to leave because of an emergency. They told me to act as their proxy." The lie came out naturally from Logan's lips.

Venus' smile slightly faltered but it did not leave her lips. "Oh, it's okay. What did they want to talk about?"

Sumeryoso naman ang mukha ni Logan. Hindi na ito nagpaligoy-ligoy. "How much do you care about your company's reputation?"

Venus' eyebrows furrowed. "Pardon?"

Nilabas ni Logan ang isang folder at nilapag iyon sa mesang nasa pagitan nilang dalawa. Binuksan niya ito at pinakita ang picture ni Vincent Malolos kasama ang isang dalaga.

Napaawang naman ang labi ni Venus. 

"Do as I say or I'll release those photos to the public." Seryosong banta ni Logan.

Nang mahimasmasan ang matanda, natawa ito. Hindi naman nagbago ang reaksyon ni Logan. 

"Do you think I'm scared of you?" Nanunuyang tanong ni Venus. "You're just a kid." Nakangiting sabi nito na tila hinahamon ang binata.

"A kid that can ruin your company's reputation.." Nakataas ang isang kilay na sabi ni Logan. 

"You know what? I'll pretend that this didn't happen. Just get out of my face and go back to doing what kids your age do." Nakangiting sabi ni Venus.

Hindi natinag si Logan. "I didn't want to do this but you forced me.." sabi ng binata bago ngumisi. May kinuha itong panibagong folder. Ang folder na ito ay hindi niya pinakita kay Bea at Vinny. Tanging siya lamang ang nakakaalam nito.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon