04: Rugby Team

108K 1.2K 225
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 4: RUGBY TEAM


Hindi naman nalalayo ang ugali naming dalawa ni Yian. Ngunit saaming dalawa, siya 'yung mas maldita at ako naman ang mas mabait.

"Titingin tingin ka dyan?!" Maldita nitong tanong sa isang lalaki na malagkit ang tingin saaming dalawa ni Yian. Napaiwas naman ng tingin 'yung lalaki, marahil ayaw ng gulo dahil may iilang napatingin saamin dahil sa lakas ng sigaw ni Yian

Friday night ngayon at nasa Cady's Pad kami. Dahil first time maka 90+ ni Phael sa quiz niya sa isang major subject ay nag aya siyang mag-inuman.

Sa first floor ng Cady's Pad ay normal na inuman place lang. Restaurant din kasi ito kaya marami-rami ang kumakain ngayon dito, lalo na't gabi na. 

Walang second floor ang Cady's pero meron itong underground. Dito sa baba nagaganap 'yung totoong party.

Nakasuot ng hapit na black mini dress si Yian na medyo mababa ang cut sa chest area, samantalang ako naman ay naka black jeans at tube top lang. Parehas kaming nakaheels.

Pagbaba namin sa underground ay sumalubong saamin ang napakalakas na tugtog mula sa speakers. Madilim ang lugar at ang tanging nagsisilbing gabay saamin ay ang mga makukulay na fluorescent lights at studio strobe lights.

"Nasaan na daw sila Cloud?" I shouted at Yian in order for her to hear me over the loud music.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Phael ngunit hindi ito sumasagot. Triny rin naming tawagan ang iba naming mga kaibigan kaso out of coverage.

"Paano na?" Tanong ko

"Punta tayo sa VIP rooms! Huling usap namin ni Phael nabanggit niya na sa VIP rooms sila tatambay!" Pasigaw niyang sagot. Tumango nalang ako at sumunod sakanya.

Dumiretso naman kami sa second floor ng underground na ito dahil andoon ang mga VIP rooms. Malawak kasi ang underground level na ito kaya mayroon itong 2 floors. Pero hindi nakakonekta ang second floor neto sa first floor ng Cady's. 

Pagdating namin dito ay napansin kong mas mahina na ang ingay dito sa second floor kumpara doon sa first floor. 

Nakita naming mayroong labing-walong VIP rooms dito. Nagkatinginan kami ni Yian.

"Iisa-isahin ba natin 'yan?" Nanlalaking mata kong tanong.

She shrugged. "Do we have a choice? They're not answering their phones."

Binuksan namin ang una naming nakita na kwarto at napansing walang tao dito. Sinubukan din namin 'yung iba kaso hindi naman namin kilala ang mga 'yun. Tig-iisa kaming room na tinitignan para mas mabilis naming makita sina Phael.

Nasa pang 6th na VIP room na ako. Nang akmang bubuksan ko ito ay bigla itong bumukas ang iniluwa ang isang taong mukhang pamilyar.

"Bea?!" Hindi makapaniwalang tanong nito. Tumili ito at niyakap akong mahigpit. Naamoy ko ang alak sakanya, mukhang marami na ang nainom nito.

Nang bitawan niya ako ay agad ko siyang nginitian. "Aaliyah! Kamusta?"

Nagulat naman ako nang hilahin niya ako papunta sa loob.

"Guys!" Sigaw ni Aaliyah dahilan para manahimik ang lahat ng nasa kwarto at mapatingin saaming dalawa. Nahiya naman ako kasi hindi ko naman sila kilala. "Meet my friend, Bea!"

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon