07: Feud

99.7K 1.3K 207
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 7: FEUD


Nandito kami ni Clay sa field nakaupo at pinapanood magpractice ang cheer squad. Hindi naman namin 'to normally ginagawa pero dahil nga member na si Yian at first time niya ito ay nandito kami para manood. At isa pa, nandito si Clay para isama 'to sa vlog niya.

"Saan na sina Ulap?" Tanong ko kay Clay na katatapos lang mag vlog.

"Sabi nila papun--oh ayan na pala sila eh." Napalingon naman ako nang mapansin ko na nakatingin siya sa likod ko. Nakita kong palapit na si Cloud kasama si Phael.

Napangiti naman ako ng umupo sa tabi ko si Cloud. Si Phael naman ay naupo sa tabi ni Clay.

Narinig ko namang napasipol si Phael. "Si Tamara Dela Vega ba 'yun? She looks hot."

Natatawa namang napatingin sakanya si Clay. "Paano na si Vinny pre?"

Bigla namang napalitan ng inis ang ekspresyon sa mukha niya. "Wag na wag mong babanggitin 'yung babaeng 'yun! Nasisira lang araw ko." Nanggagalaiti na sabi ni Phael.

Vinny? Diba 'yun yung babaeng naka-all pink lagi? Yung kapatid din ni Logan Davis.

Anong meron? May hindi ba ako alam? Bakit parang ang outdated ko sa buhay ng mga kaibigan ko?

"Hindi ba yun yung kapatid niya?" Sinundan ko naman ng tingin ang tinuturo ni Clay. Doon ko napansin na medyo kalayuan saamin ay nandoon ang grupo nila Landell. Naguusap ang mga ito.

"Isa pa yang kapatid niya ang angas angas." Inis na bulalas ni Phael at pinatunog ang kamao.

"Stupid," singit ni Cloud. "Ikaw naman kasi ang nauna. Kung hindi mo inangasan edi hindi ka sana nasapak."

Sa sinabi ni Cloud ay agad akong napalingon kay Phael. Doon ko napansin na may sugat ang labi niya. Pabalik balik naman ang tingin ko kay Phael, Clay at Cloud.

"Anong nangyayari?" Naguguluhan kong tanong.

Bigla namang tumunog ang isang cellphone, hudyat na may nakuhang text message.

Inilabas ni Phael ang phone niya at sumilip naman si Clay. 

"Speak of the devil and he shall appear," natatawang sabi ni Clay at inagaw ang phone ni Phael. "Nag-text si Lavinia Fajardo A.K.A. Vinny ni Phael!"

Agad namang inagaw ni Phael ang phone niya at nanlilisik na matang tumingin kay Clay. Nang akmang aagawin ulit ni Clay ang phone ay tumayo si Phael at lumayo. Tumayo din si Clay at hinablot ito at agad itong tinapon papunta saamin.

"Ulap, salo!" Napatayo naman si Cloud at sinalo ito. "Basahin mo dali!" Natatawang sabi ni Clay habang pinipigilan si Phael na makalapit kay Ulap.

Na-intriga naman ako kaya nakisilip ako sa phone. Dahil mas matangkad saakin si Cloud ay kailangan ko pang tumiyad at tumingala para mabasa 'yung text. Bigla namang napatingin sa'kin si Cloud. Napatigil naman ako. 

Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. 

Bigla naman siyang ngumisi at binalik ang atensyon sa phone. "Liit kasi eh." Sabi niya at bahagyang ibinaba ang cellphone para mabasa ko yung text. 

Oo na, aminado naman akong maliit ako eh, 'di naman kailangan ipagsigawan sa buong mundo! 

Binaling ko nalang ang atensyon ko sa phone. Napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang text.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon