13: Battle of the Bands

70.2K 708 53
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 13: BATTLE OF THE BANDS 


Tuesday na at mamayang hapon na ang battle of the bands na sinalihan ni Crime. Syempre dadalo kami dahil susuportahan namin siya. Hindi namin kasama ngayon si Crime dahil kasama niya ang bandmates niya, may practice kasi sila bago mag start ang program. Ang kasama ko lang ay si Yian dahil humiwalay muna sina Cloud, Phael at Clay.

Habang naglalakad ay bigla akong kinalabit ni Yian. Kunot-noo ko naman siyang nilingon.

"Ano yun?" Tanong ko

"Pwede pa-text? Naubusan kasi ako ng load eh." Sabi niya habang nakapout, animoy nagpapa-cute, mukha namang pato.

"Malas ka, wala din akong load." Sabi ko habang natatawa. Napabuntong hininga naman siya at biglang umaliwalas ang mukha nang may maalala.

"Diba may load sila sa caf? Tara samahan mo ako." Hindi pa ako nakakasagot ay kaagad niya akong hinila patungo sa cafeteria. May paload-an kasi sa cafeteria namin.

Nang makarating kami sa cafeteria ay nilapitan ni Yian ang isang babae na sa tingin ko ay nasa mid-30s niya na. Siya 'yung madalas na nakikita kong nagbebenta dito sa cafeteria.

"Excuse me po." Magalang na sabi ni Yian. 

Wow, parang may alter ego 'tong si Yian. Salbahe kaya 'tong babaeng 'to.

"Ano 'yon iha?" Tanong naman ng tindera.

"Ate, diba may load kayo dito?" Pagkukumpirma ni Yian

"Oo meron." Sagot ng tindera at handa nang kunin ang cellphone na nakapatong sa lamesa.

Napangiti naman si Yian sa sinagot ng matanda. "Pwede pong patext?"

Napahilamos ako ng kamay sa mukha.

Jusko, may ikakapal pa ba ang mukha ng babaeng 'to?


Alas dos na at magsisimula na ang battle of the bands. Mayroong pitong banda na maglalaban-laban at pang apat ang banda nila Crime. The theme for this year's battle of the bands is Culture of the Philippines. So it is a must for every band participating to play an OPM song. 

Currently on stage is the third band. They finished with 214 by Rivermaya. Nagsigawan kaming lahat. Nang makababa ang banda ay siya namang pag-akyat ng emcee. Pinasalamatan at pinuri nito ang pangatlong banda.

"Next on stage, please welcome The Criminallies!" Sigaw ng emcee kasabay ng sigawan ng audience.

I snorted. The Criminallies? Was this named after Crime?

"Woooh! Go Krimen!" Tili ni Yian na katabi ko.

"Pag natalo kayo Krimen sisiguraduhin kong paninindigan mo ang pangalan mo!" Rinig ko namang sigaw ni Phael na nasa tabi ni Yian.

Napansin kong nag v-vlog naman si Clay sa tabi ni Phael. May sinasabi siya ngunit hindi ko marinig dahil sa sigawan ng mga tao.

"Pag nanalo kayo Krimen hindi ka na namin aasarin ni Phael!" Sigaw naman ni Ulap. Napailing nalang ako. Mga salbahe 'to.

"Magandang hapon sainyong lahat! Kami po ang The Criminallies! Ako po si Wacky, ang vocalist. Ayun si Mark, ang bassist namin. Si Crime, ang guitarist. Si Gerald, ang drummer. At si Symphony, ang pianist." Pagpapakilala nung vocalist habang tinuturo isa-isa ang mga kamyembro niya. Napansin kong nagiisang babae lang si Symphony sa grupo. "Sana magustuhan niyo ang performance namin. Makisabay din kayo kung alam niyo ang kanta!"

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon