14: Debut in Theatre

65.7K 798 93
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 14: DEBUT IN THEATRE 


Pangatlong araw na ng fair. Mamayang hapon na ang performance ng theatre club kaya nagkameeting kami. Katatapos lang ng meeting kaya papunta na ako ngayon kina Ulap. 

"Bea!" Napalingon naman ako at napangiti nang makita kong papalapit saakin si Landell at Topher.

"Musta na? Tagal rin nating 'di nag-kita ah." Nakangising sabi ni Topher.

I smiled. "Oo nga eh. Tuwing nagkikita kami nila Zoey hindi naman kayo magkasama."

"So far, kamusta ang fair?" Tanong ni Landell.

Sasagot na sana ako nang makaramdam ako ng pagkaakbay saakin. Aalisin ko na sana ito ngunit paglingon ko ay nakita ko ang kunot-noong mukha ni Ulap. Nakatingin siyang masama kay Landell at Topher.

Napansin kong masama rin ang tingin ni Topher kay Ulap samantalang si Landell naman ay walang ekspresyon ang mukha. Napalingon ako kay Ulap at napansin ang kamao niyang nanginginig marahil ay dahil sa galit. Sa takot ko na baka maging referee pa ako ng isang boxing match ay agad kong hinawakan ang kamao ni Ulap. I felt him tense under my touch but after a while, he relaxed.

Namayani ang katahimikan sa aming apat. Tanging ingay lamang mula sa ibang studyante ang maririnig.

Landell cleared his throat and moved his eyes to me. He smiled, "sige Bea, mauna na kami ni Topher ah."

Ngumiti naman ako ngunit sa tingin ko ay mas nagmukha itong ngiwi. Tumalikod na sila ni Topher nang bigla kong marinig ang pagbulong ng katabi ko.

"Walang may pakialam."

Akala ko ay hindi narinig nila Landell 'yon ngunit muli silang napalingon saamin. Humakbang papalapit si Topher. The usual smirk on his face was no longer there, instead it was replaced with an annoyed expression.

Inalis ni Ulap ang pagkaakbay saakin at humakbang rin papalapit kay Topher.

"May problema ba, Concepcion?" Mahina ngunit may diin na tanong ni Topher.

Bakit kilala ni Topher si Cloud? At bakit parang may alitan sila?

At dahil kasing taas ng eiffel tower ang pride ni Ulap ay lumaban siya. Hindi naman 'yan umaatras pag dating sa mga ganito eh.

"Oo. Meron." Seryosong tugon ni Cloud.

Napaatras si Topher at walang emosyon na tinignan si Ulap. Nakaramdam ako ng takot nang makita ko ang blanko niyang ekspresyon. Hindi kasi ako sanay dahil tuwing nagkikita kami ay lagi siyang nakangiti o nakangisi.

Bigla namang ngumisi si Topher bago magsalita. "Angas mo." 

Ba't ba ang hihilig ng mga lalaki sa gulo? Pwede namang babaan ang pride kahit kaunti para iwas gulo. Pero masyado lang talaga silang mapride, lalo na si Ulap.

"Nagsalita ang hindi." Parang bata na sagot ni Ulap.

"Hindi naman talaga." 

"Joke yun?" Tanong ni Ulap.

"May sinabi ako?" Aba't! Hindi parin talaga sila tumitigil ah?

"Kasasabi mo lang." Walang emosyon na sambit ni Ulap.

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon